♤AgostoAko si Kenj. 17 years old at in-love ako sa best friend ko'ng hilaw. Siya si Naomi at mag-kaibigan kami simula pa nung kami ay bata pa.
Naging crush ko siya noong elementary hanggang ngayong high school kami. Lagi kaming magkasama, sa pag-uwi at sa pag-pasok. Hanggang sa na-realize kong, hindi lang pala pag hanga ang nararamdaman ko sakaniya kung hindi ay pagka gusto na.
Netong mga nakaraang araw din ay pansin ko ang mas lalong pagiging malapit namin sa isat-isa. Nababahala na rin ako sa mga ikinikilos niya. At kung tutuosin nga ay para kaming magkasintahan sa lagay naming dalawa.
Nagbibigayan ng mga matatamis na salita,titigan at galawan. Yan lagi ang routine namin tuwing kami ay magkasama.
Hanggang sa dumating kami sa point na...
"Kenj, mahal mo ba ako?" tanong sa akin ni Naomi na agad ko naman siyang nilingon at pinakatitigan.
Medyo nagdadalawang isip pa ako sa aking isasagot. Gusto ko siya,gusto ko siyang mapa sa akin. Pero gusto ko siya na hanggang pagkakaibigan lang din. Nalilito ako.
"O-oo naman Naomi, mahal kita." huminto ako saka ngumiti. "Mahal kita bilang kaibigan Naomi. Alam mo iyon. Oo at inaamin ko na may pagtingin ako sa iyo simula pa noong elementary. Napalitan ito ng pagka gusto sa iyo ngayong high school at nalilito ako. Kasi,gusto kita. Gustong-gusto kita Naomi,gusto kita na mapa sa akin at nandito rin sa puso at isipan ko na gusto rin kita,gusto rin kita bilang isang matalik na kaibigan lamang" ngumiti ako ng mapait.
"Mas mabuti siguro na hanggang magkaibigan lang tayo. Ayokong masira ang pagka-kaibigan natin pag nagkataon na magkahiwalay tayo. Sana ay maunawaan mo ako"
"Ga-ganun ba Kenj?" utal na tanong niya sa akin. Tinanguan ko naman ito.
"Oo,magkaibigan tayo simula pagkabata. Ikaw yung nagsi silbing Knight in shining armor ko-ang tagapag tanggol ko kapag may nangaaway sa akin. Hanggang ngayon pa naman eh,di ba? kasi ako yung Prinsesa mo eh." huminto siya mula sa pagsasalita at pinakatitigaan ako.
"Ako yung Prinsesa mo na kahit kailan ay hinding hindi magiging Reyna ng isang katulad mo." at doon na bumuhos ang mga luhang kanina pa pilit kumakawala sa kaniyang mga mata.
Dali-dali ko itong nilapitan at pilit na pinapatahan.
"Ke-Kenj,mahal kita. Mahal na mahal. Please love me back" pagmamakaawa neto sa akin. hindi ko kayang makita siyang ganito.
"tahan na,Naomi. Mas mabuti kung magiging magkaibigan lang tayo at wala ng hihigit pa roon." Sabi ko saka ngumiti ng alanganin.
"Please,Kenj" hagulgol neto sa pagiyak. Hindi ko kaya ang nangyayari sakaniya. Para akong nanghihina. Tama nga siya sa sinabi niyang Knight in Shinig Armor niya ako. Para akong si Superman na handa siyang ipagtanggol sa kahit sino man at siya naman ang aking kahinaan - My lovely Kryptonite.
"Ikaw ang Prinsesa ko. Ikaw lang at wala ng iba." at hinalikan siya sa noo. "Wag ka na umiyak please,tahan na Naomi. Hindi ko kaya na makita kitang nagkakagani-" hindi ko na natapos pa ang aking sinasabi dahil bigla niya akong siniil ng halik.
Naomi.
Naomi.
Naomi.Ikaw yung bestfriend ko na minahal ko ng patago. Ikaw yung bestfriend ko na hinalikan ako.
Ikaw yung bestfriend ko na minamahal ako.
At ikaw yung bestfriend ko na magiging asawa ko.I am Kenj and I am deeply inlove with my best friend.
This is,
♤Agosto
BINABASA MO ANG
Halo Halo
Historia CortaIf you want to read this, I might say that this is a mixed Story. Iba-iba ang mababasa mo,it is because short story lang ang mga nandito. And some of the stories ay ine edit ko pa. So yeah! Enjoy reading!!