》ELYEN《

6 0 0
                                    


♤AugustPsyche

"ihanda niyo na ang mga sasakyan!"

"ikaw! sumakay ka na ng makaalis ka na at makaligtas!" turo saken ni Commander saka ako itinulak papunta sa pang isahang sasakyan.

Umaandar na ang sinasakyan kong ship at hindi ko alam kung saan ako ngayon patungo. Basta ang alam ko lang ay nakatingin ako sa bansang kinagisnan ko na unti unti ng nasisira dahil sa digmaang nagaganap.

Hanggang sa makalabas ako ng bansa na hindi ko alam kung saan ako paroroon. Unti unti akong dinadalaw ng antok hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako dahil sa di maayos na pag landing netong sinasakyan kong ship. Pag tingin ko sa labas ay papasikat na ang araw. " gaano kaya ako katagal nakatulog?" tanong ko sa aking sarili.

Nilibot ko ang aking paningin upang mapagmasdan ang paligid. Mukhang isang bukid ang pinaglandingan ng sinasakyan ko at sa di kalayuan ay may kalsada. Agad agad kung kinuha ang bag na dala ko saka ko inisukbit sa balikat ko at umalis.

Nakarating ako sa siyudad na tirik ang araw,ang init:sobrang init. Pansin ko, pinagtitinginan ako ng mga nasa siyudad,may nagbubulungan,may mga halatang natatakot sa akin at ang iba sa mga ito ay may inilabas na isang parihabang bagay na nakatutok sa akin.

Hindi ko alam kung saang lugar o bansa ito. Ngayon lang kasi ako nakapunta rito. Ang mga iyon ay mas maliit sa akin,hindi ko rin maintindihan ang kanilang mga sinasabi kahit na nabiyayaan ako ng matalas na pandinig dahil sa iba ang linggwahe nila.

Siguro ay ngayon lang sila nakakita ng tulad ko,isang Elyen na naninirahan sa bansang Kizmerk. Ang Kizmerk ay isang planeta pero tinatawag namin itong bansa.

Bigla ako napaangat ng tingin dahil sa tinamaan ako sa taghiliran dahilan upang lumabas ang aking dugong bughaw. Dahil doon ay dali dali akong umalis sa lugar na iyon kahit na kimikirot kirot ang taghiliran ko.

Nakarating ako sa isang gubat at may nakita akong bahay kaya dumiretso ako doon. Wala naman nakatira na ikinahinga ko ng maluwag saka ko tinggal ang tumama sa taghiliran ko gamit ang aking kamay. Kahit na masakit ay pinilit kong tanggalin ito. Isang maliit na bakal na may halong pulbura. Ng matanggal ko iyon ay agad kong tinapalan ng damit ang sugat ko upang tumigil ang pagdurugo.

Dito na ba talaga ako sa lugar na ito? Mukhang napaka delikado manirahan dito ang isang Elyen na tulad ko.

Patuloy pa rin ako sa pagiisip ng kung ano ano hanggang sa makatulog ako.

Againt its,
♤AugustPsyche.

Halo HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon