Wala akong magawa ngayon kaya naman ay napagpasyahan kong kumanta ng accapella. Sa bawat pagkanta ko ay inaayos ayos ko ito, kung maganda ba sa pandinig ko o hindi. At ng naayos ko naman na ay itinuloy- tuloy ko na mula umpisa.
Ikaw na pala~
Ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko~
Pakisabi na lang~
Na 'wag ng mag-alala at okay lang ako~Sa unang stanza pa lang ng aking pagkanta ay damang-dama ko na ang sakit ng mensahe nito para sa mga nakikinig,tagos sa puso.
Sabi nga ng iba~
Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo~
Hahayaan mo na mamaalam~
Hahayaan mo na lumisan, ooh~Napaisip ako bigla, parang para sa akin talaga ang kanta na ito. Dahil halos ang mga linya ay tumutugma sa nangyari sa akin noon.
They kept on telling me na kapag mahal mo, hayaan mo kasi kung mahal ka talaga nung tao ay hindi ka nun iiwan at magmamahal pa ng iba. Hindi ako nakinig sakanila pero I let go of her. Hinayaan ko siya na umalis ng hindi man lang nagpaalam.
Kaya't humiling ako kay Bathala~
Na sana ay hindi na siya luluha pa~
Na sana ay hindi na siya mag-iisa~
Na sana lang~Kaya naman ay napatanong ako sa kaitaas-taasan. Bakit nangyayari to sa akin? Bakit humantong ako sa ganitong sitwasyon? Napakaraming tanong na hindi naman masagot sagot kaya nakiusap na lamang ako sa Panginoong Diyos. Humihiling ako na sana, na sana ang pagluha niyang iyon ay huli na. Ang pagluha niya ay dahil sa kasiyahan na kaniya ng nadarama. At sana, ang napili niya ang siyang makakasama niya sa pang habang buhay.
Ingatan mo siya~
Binalewala niya ako dahil sa'yo~Tol, matalik kitang kaibigan. Tropa,barkada at childhood best friend pa nga. Tol, ingatan mo yan ah, ikaw na ngayon ang minamahal niya. Binalewala niya lahat ng sakripisyo at efforts ko para sakanya .
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal~
Na kay tagal ko ring binubuo~Yung pagmamahal ko sakanya, hindi ko maipaliwanag. Lahat lahat ay ginawa ko para sakanya. Yung pagmamahal na ayaw kong mawasak,ayun tol', nawasak na dahil sayo.
Na kay tagal ko ring hindi sinuko~
Binalewala niya ako dahil sa'yo, dahil sa'yo~Isinuko ko man ang pagmamahal ko sakanya, isinuko ko yun kasi alam kong sa puder mo siya sasaya. Kaya nga diba, binalewala niya ako. Lahat-lahat ay binalewala niya kasi pinili ka niya.
Heto 'ng huling awit na kanyang maririnig~
Heto 'ng huling tingin na dati siyang kinikilig~
Heto 'ng huling araw, ng mga yakap ko't halik~Ang araw na iyon. Ang araw na iyon kung saan lumuhod pa ako sa harapan mo para lang hindi mo ako iwan. Kinantahan pa kita para lang mag stay ka sa tabi ko. Garalgal man ay pinilit kong magsalita kahit na nahihirapan ako dahil sa labis kong pagiyak.
"Ishie, bakit, bakit mo ko iiwan hah? Dahil ba si Blue na tropa ko ang laging nanjan tuwing wala ako? Sabihin mo, nakuha ba niya ang atensyon mo?!" Sunod-sunod ang aking mga katanungan sa iyo pero ni isa Ishie, wala ka man lang naisagot. "Ishie,alam mo naman na mahal na mahal na mahal kita diba? Wag mo naman gawin saken to oh"
"I-itigil na natin to Kev, pasensya na. Kaya pwede bang bitawan mo na ako?" at nagpumilit kang tanggalin ang mga kamay kong nakahawak sayi ng mahigpit.
"Talaga bang siya na?" Niyakap kita ng mahigpit dahil alam kong ito na ang huling pagkakataon para mayakap kita bilang kasintahan ko. "Ishie, mahal na mahal kita. Lagi mo lang iisipan hah na handa akong maghintay ulit para sayo." at saka ka na tuluyan umalis dahil pinapalaya na kita.
Heto na, heto na~
Tuluyan na akong napapikit ng mariin sa alaalang nagpawasak sa puso ko. Hindi ko na rin namalayan na habang kumakanta at inaalala ang nakaraan ay napaluha na pala ako. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin, na para bang mga nangyari noon ay nangyari lang kahapon. Wala na pala talaga, walang wala na.
BINABASA MO ANG
Halo Halo
Short StoryIf you want to read this, I might say that this is a mixed Story. Iba-iba ang mababasa mo,it is because short story lang ang mga nandito. And some of the stories ay ine edit ko pa. So yeah! Enjoy reading!!