Kenny Ko

11 0 0
                                    

Pauwi na ako galing school and I'm so excited to see my Kenny!! Argh!! Naiisip ko pa lang siya ay kinikilig na ako. Ang cute na iyon na iyon,pagkauwi ko talaga ay yayakapin lo iyon ng sobrang higpit.

Bakit kasi eh,ayaw niya sumama sa akin sa school. Ayan tuloy,nami-miss ko siya ng sobra. Lagot yun sa akin. Hmp!

"Manong,malapit na po ba tayo?" tanong ko sa driver namin.

"Malapit na ho ma'am" sabi ni manong na tinanguan ko na lang.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami ng bahay. Pagkababa ko ng kotse ay agad ko'ng tinungo ang kwarto ko saka siya hinanap. Na e-excite ako na makita siyang muli. Miss ko na si Kenny!

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto. Hmmm asaan kaya siya? Agad kong hinalungkat ang buong kwarto para lang mahanap siya pero wala,wala! Saan kaya yun napadpad?

Dali-dali akong lumabas ng bahay ng makasalubong ko si Mommy. "Anak,nakauwi ka na pala" biglang sabi niya. "Yes Mommy. Nga pala Mommy,nakita niyo si Kenny ko?" tanong ko sakaniya.

"Kenny?" kunot-noong tanong naman niya sa akin.

"Opo,si Kenny. Nakita niyo po ba siya sa kwarto ko?" tanong ko.

"Aaah yung boyfriend mo?" ayun! sa wakas! "Tignan mo doon sa garden,dinala ko siya doon " pagkasabing-pagkasabi ni mommy ay agad kong tinungo ang garden namin.

There he is! asa may upuan lang pa lang siya iiih. Pinagod pa ko ng mokong na ito,jusko! But damn it! ang gwapo niya talaga na may pagka kyut! Sweet and caring too That's why I fell inlove with him.

"Kenny ko!!!" patakbo kong lapit sakaniya. "I miss you so much baby!" saka ko siya niyakap ng sobrang higpit! "I miss my baby Kenny" sabi ko sakanya habang yakap-yakap ko si Kenny na isang robot na gawa ni daddy-isang imbentor.

Halo HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon