Ikaw at Ako

14 0 0
                                    

Pilit kong inaalala ang nakaraan. Ang nakaraan kung saan siya ay aking ligawan. And that was a year ago. Sinurpresa ko siya sa paborito namin tagpuan noon with the help of my friends. At inaamin kong hindi ko iyon pinagsisisihan dahil ang babaeng niligawan ko noon ay girlfriend ko na ng ilang buwan ngayon.

Pero hindi ko inaasahan na susurpresahin ko ulit siya katulad noon. Hindi dahil sa monthsarry namin o anniversarry. Susupresahin ko siya dahil makikipaghiwalay na ako sakaniya. Masyado na kasi akong nasasaktan sa aking nalalaman. Ang girlfriend ko at isa sa mga best friend ko ay may patingin sa isa't isa,ang sakit sa akin noon dahil bakit? Bakit ang girl friend at best friend ko pa?

Nandito ulit kami ng mga kaibigan ko sa paboritong tagpuan namin ng girlfriend ko. Inaayos ang lahat para sa gagawin kong pagsurpresa sakaniya. Hinahanda ko na rin ang aking sarili dahil alam kong masasaktan kami pareho,lalo na ako.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo Josh? malay mo magkaibigan lang sila ni Erik" sabi ng isa kong kaibigan. Napabuntong hininga naman ako. "Sigurado na ako sa gagawin ko Mike, pakakawalan ko na siya" sa sinabi kong iyon ay tango na lang ang isinagot niya atsaka ibinigay sa akin ang bulaklak.

"ipapasundo ko na siya kay Erik"

"Sige"

Heto na,wawakasan ko na ang pagsasamahan namin dalawa. Wawakasan ko na sa pamamagitan ng pag surpresa ko sakaniya.

---

"Hi love" bati ko sakaniya sa labas ng tagpuan namin.

"Pwede bang lagyan kita ng piring para hindi mo makita ang nasa loob?" tanong ko na ikina kunot ng kaniyang noo.

"Bakit? anong meron?" tanong niya.

"Secret,walang clue hahaha" masiglang sabi ko sakaniya pero sa totoo lang ay para ng tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko dahil sa sakit.

"Hmp,basta alalayan mo ko love ah. Baka matapilok ako eh lagot ka saken" pagbabanta niya

"Oo naman love,promise" saka siya piniringan.

"Dahan-dahan lang love" nagumpisa na kaming maglakad patungo sa loob ng aming tagpuan.

Hindi ko maiwasan mapaluha dahil sa aking gagawin. Pakakawalan ko na siya mula sa aking bisig. Ang dating pangako namin ay mapapako na. Masakit sa akin pero kailangan kong gawin.

Tinanggal ko ang piring sakaniya at saka siya ngitian ng kay tamis.

"Love,anong meron?" she asked me. "Hindi pa naman natin monthsarry a"

"Urhm surprise? haha" sambit ko ng hindi namamalayan na pumapatak na pala ang luha ko.

"Bakit ka umiiyak love?" tanong niya saka pinunasan ang lubang umaagos sa pisngi ko.

"Love,diba sabi ko sayo noon pakakasalan kita?"

"Oo"

"Love,I-I'm sorry. Hindi ko na yun magagawa. Pa-pakakawalan na kita, Love. Ayoko na ng ganito. Hinihiling ko love na tapusin na ang salitang tayo at maging ikaw at ako na lang love" punas ko sa luha ko.

"Bakit? Love please,wag naman ganito. Akala ko ba hindi mo ako iiwan?"

"Sorry love ah,hindi ko na kasi kaya eh. Anjan naman na si Erik sa buhay mo. Kayang kaya niya akong palitan." Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Love,sorry. Let me explain. Please" pareho na kaming umiiyak. Talaga ngang nagloloko siya at sa best friend ko pa. Ang sakit,ang sakit sakit.

"Love,tignan mo ko sa mata. Wag ka ng umiyak please. Pagsubok lang to sa atin,siguro tama nga na Pinagtagpo lang tayo pero hindi tayo itinadhana para sa isa't isa. Love, I'm letting you go. I'm breaking up with you. I love you" sabi ko sakaniya saka siya hinalikan sa noo at iniwan siya kasama si Erik.

Mahal na mahal kita pero dapat na natin tapusin ang pagsasamahan natin dalawa. Sinaktan mo ako ng sobra love at natatakot na akong magmahal muli.

♤Agosto
Sorry:>

Halo HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon