PAUWI NA AKO

16 0 0
                                    

"Hon,ano oras uwi mo ngayon?" text ko kay Kian,ang boyfriend ko na dalawang taon na. Sa totoo lang,nalulungkot ako ngayon dahil ang araw na ito ay espesyal para sa amin dalawa dahil Second Anniversary namin ngayon pero heto siya,asa trabaho pa rin. Hindi nagtagal ay nag nag-reply na siya sa text ko. "Mga 9 pm siguro Hon,sorry andami kasing paper works eh" 9 pm pa siya makakauwi,dalawang oras pa hihintayin ko para lang mabati siya ng personal.

Habang hinihintay siya rito sa bahay ay nilibang ko muna ang sarili ko,nag-facebook ako,instagram,twitter at kung ano-ano pa pero pagtingin ko kung anong oras na eh 7:45 pm pa lang. Ang tagal-tagal naman mag alas nuwebe,baka matunaw na yung cake na binili ko para sakanya.

Ang ginawa ko na lang ay tumingin-tingin ako ng mga pictures at videos na magkasama kami sa gallery ng phone ko. Andito yung araw na sinagot ko siya,natatandaan ko pa noon,umiiyak siya habang nakaluhod sa harapan ko hinihintay ang sagot sa tanong niya na "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?" eh ako to'ng si loko-loko pinaghintay ko siya dahilan ng pagiyak niya lalo.

Ito'ng isa naman ay video noong birthday ko,sinurpresa niya ako sa bahay ang sabi niya di raw siya makakapunta kasi busy siya,sinend pa nga niya yung sandamakmak na paper works na nasa gilid ng lamesa niya eh pero yun pala darating siya na may dala-dalaang teddy bear,malaking teddy bear.

Napapangiti na lang ako sa mga nakikita ko. Di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa di ko malaman na dahilan kaya ihininto ko muna ang pagtingin-tingin lo ng mga pictures at videos namin para sana i-text kung pwede na ba siyang umuwi dahil malapit na rin mag alas nuwebe. Pero bago ko pa matanong iyon ay naunahan na ko ng text niya na ang alam ay "Hon,pauwi na ako" na nireplyan ko naman ng "Sige Hon,ingat ka sa pag-uwi ah"

Ng mareplyan ko na siya ay ni-ready ko na ang mga kakainin namin pag-uwi niya,ang usapan kasi namin ay magmo-movie marathon kami ngayon araw na anniversary namin. Naayos ko na ang lahat-lahat at hinihintay ko na lang siyang umuwi,naupo muna ako saglit sa may upuan para ipagpatuloy ay kaninang naudlot na pagtitingin ko sa mga pictures namin.

Halos mapanood ko na lahat-lahat ng videos namin na meron kami ay di pa rin siya dumarating,dinadalaw na rin ako ng antok pero pinipigilan ko pa dahil gusto ko na maabutan niua pa akong gising. Ilang sandali pa ay nag-ring ang phone ko,number iyon ni Kian kaya dali-dali ko itong sinagot.

"Hello? Jessica,si Wilbert ito. Na-aksidente si Kian habang pauwi siya sakay ng kotse niya" sa naalaman ay para akong binuhusan ng malamig na tubig,hindi ko alam ang hagawin ko ng mga oras na iyon ang alam ko lang ay unti-unti ng pumapatak ang mga luha mula sa aking mga mata. "Hello? Jessica? anjan ka pa ba? kung sakali man na puountahan mo siya,asa Saint Vincent Hospital kami" tanong ni Wilbert mula sa kabilang linya.

" Sa-salamat" sabi ko ng umiiyak. hanggang sa lumakas ang pagiyak ko at wala ng pakealam sa paligid pa.

"anak? Jessica? anong nangyare?bakit ka umiiyak?" sunod-sunod na tanong ni papa sa akin.

"ito tubig,inumin mo ng mahimasmasan ka" bigay sa akin ni mama ng baso na may laman ng tubig na ininum ko naman agad.

"Ma,pa si Kian po na-aksidente" hagul-gol ko na nakayakap na kay mama.

"ano?" di makapaniwalang tanong ni papa.

"opo,sabi po ni Wilbert na aksidente siya habang pauwi" iyak pa rin ako ng iyak dahil sa di ako makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon.

Ng tuluyan na akong mahimasmasan ay pinuntahan namin ang naturang hospital kung saan isinugod si Kian. Pagkapasom na pagkapasok pa lang namin ay sinalubong na kami agad ni Wilbert na may bahid ng dugo sa kanyang damit. "Wilbert,ano nangyari? paanong naaksidente siya?" tanong ko na umiiyak nanaman.

"Ka-kasi Jessica nakita niya ako sa daan kaya hininto niya yung sasakyan niya para maka sakay ako ang ka-kaso kasi Je-Jessica may truck na mabilis magpatakbo na hindi nakapag preno agad a-ayun,nabunggo yung sasakyan niya habang nasa loob siya." pagpapaliwanag niya dahilan upang masampal ko siya ng malakas. "Ang kapal ng mukha mo! ikaw ang dahilan kung bakit siya naga-agaw buhay ngayon!" pasigaw ko saknya habang hinahampas ko ang kanyang dibdib.

"Je-Jesscia,s-sorry. Tita,Tito sor-sorry po" naiiuak na paghihingi niya ng tawad sa amin.

"Ah excuse me po,kayo po ba ang kamag-anak ni Kian Castro?" tanong ng Doktor ng makalapit siya sa amin. "o-oho Dom,ano po kalagayan niya?? kumusta po siya Dok? ok na po ba siya?" sunod-sunod na tanong ko dahilan upang awatin ako ni Papa.

"We did our best ma'am pero ikinalukungkot ko'ng sabihin na hindi siya nakaligtas sa aksidente. Masyadong malakas ang impact ng pagkakatama ng ulo niya-" hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ng doktor dahil sa narinig ko ay humagulgol na ko sa iyak.

"Hindi,hindi pa siya patay" pagpupumilit ko.

"Anak tama na" pagpapatahan sa akin ni mama.

"Ma,hindi pa po siya patay diba? Hindi pa patay si Kian" tanong ko,nagbabakasakaling mali lang ang pagkakarinig ko sa sinabi ng Doktor.

"Jessica,tama na. Wala na siya Jessica,patay na siya" si Wilbert na ngayon ay umiiyak na rin. "Sorry Jessica,kasalanan ko ito sana mapatawad mo ako" hindi ko na lang iyon piangtuunan ng pansin dahil alam ko'ng di na maibabalik pa'ng muli ang lahat.

Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa hindi ko na alam ang iniiyakan ko. Wala na si Kian,wala na ang pinakamamahal ko'ng boyfriend. Patay na siya.

"Jessica,ito nga pala yung cellphone ni Kian" iniabot sa akin ni Wilbert ang cellphone ni Kian,piangmasdan ko ito ng matagal. May basag ang kabuoan neto at paniguradong di na ito gumagawa pero nagkakamali pala ako dahil ng pindutin ko ang power neto ay bumukas pa ito. Agad ko'ng tinignan ang laman ng messages niya,nagbabakasakaling may text siya na hindi ko pa nababasa at meron nga itong hindi nasi-send sa akin "Hon,pauwi na ko. Hintayin mo ako ah,wag mo'ko tutulugan kundi lagot ka sa akin. I love you." mas lalo lang ako'ng napaiyak sa nabasa.

Sinunod ko naman ang gallery niya para makita ang mga litrato namin dalawa pero may umagaw sa atensyon ko. Ang pinakauna ng gallery neto ay isang video,video niya na nakasuot pa ng Uniform niya sa office. Plinay ko ito na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"Hi Hon,Happy Second Anniversary. Sorry Hon ah,mukha'ng hindi natin mase-celebrate ang Second Anniversary natin ngayon,andami dami kasing paper works eh kaya napagdesisyonan ko na lang na videohan ang sarili ko para naman may pagtawanan ka diba? hahahahaha Hon,salamat sa lahat ah,sa pagiging sweet mo sa akin,pagiging caring mo,sa lahat hon. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nawala ka pa sa akin. Basta Hon,lagi mo'ng tatandaan na wala man ako sa tabi mo ay mahal na mahal pa rin kita. I love you so much Jessica,I love you to the moon and back."

"I-I love you too" sabi ko habang umiiyak.

Hon,hindi ko kaya ng wala ka. Bakit mo naman ako iniwan ng ganito? Kahit kelan talaga Hon,ang daya-daya mo pati ba naman sa ganito?-sabi ko sa aking isipan habang yakap-yakap ang cellphone ng mahal ko.

Halo HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon