Sana All

14 0 0
                                    

Ako'y naglalakad magisa sa parke sa hindi ko malaman na dahilan. Patuloy lang ako sa paglalakad ng may makita akong upuan na sakto rin naman dahil kanina pa ako palakad-lakad.

Saktong pagkaupo ko ay may paparating na magjowa na mukhang dadaanan pa ang kinaroroonan ko. Magkahawak kamay silang naglalakbay patungo sa akin at sakto rin na nakaisip ako ng kalokohan.

Naalala ko iyong lwging pinapatugtog ng mga kaklase ko sa aming silid aralan tuwong walang klase.

Sana all may jowa
Sana all mahal,
Sana all pinili ka ng tao mong mahal
Pero bat ganun?
Nilandi ka lang

Pagkanta ko sa isip ng kanta na iyon,pero sa paglapit nila ay iibahin ko ang lyrics dahil madali lang naman sa akin iyon.

"Sana all may jowa,
Sana all mahal!
Sana all mahal ka ng tao mong mahal
Pero bat ganun?
Di ka nilegal!"

Medyo may kalakasan na kinanta ko ang lyrics na iyon na sapat lang sakanila upang marinig na syang dahilan ng kanilang paglingon sa akin. Mukhang hindi ata sila legal dahil parang natamaan ang mga iyon sa pagkanta ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkanta habang nagpapahinga na para bang wala akong ginawang kalokohan.

♤Agosto

Halo HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon