6

532 15 1
                                    

Lakad takbo na ang ginawa ni Bullet para lang mabilis na makarating siya sa lumang building na malapit sa eskwelahan nila. Nagmamadaling pumasok siya sa lumang building at agad na nagtaka nang mapansin na walang ibang tao doon maliban sa kaniya. Iyon ang eksaktong address na itinext ni Megan sa kaniya kaya imposibleng magkamali siya.

"Anong nangyari?" inilibot niya ang mga mata sa malawak at maruming lugar.

Nakakalat pa sa sahig ang ginamit na mga kahoy at tubo sa pag aaway ng dalawang grupo.

"Hindi kaya...." Natutop niya ang mga labi.

Diyos ko!

Baka nahuli na siya ng dating at marami nang napahamak sa rumble at baka isinugod na ang mga ito sa ospital. Napaatras siya nang makarinig siya ng mga kaluskos. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman na bumangga siya sa isang matigas na bagay. Malakas na suminghap siya at pumihit paharap sa direksiyon ng taong nabangga niya.

"Ikaw?" malakas napasinghap siya nang makitang nakatayo sa harapan niya si Kent.

Mataman itong nakatitig sa kaniya habang nakasuksok ang mga palad sa magkabilang bulsa ng suot nitong jacket. Pumalatak ito nang mapansin ang pagkagulat sa mukha niya. Bahagya itong yumukod para magpantay ang mga mukha nila.

"What? Bakit ganiyan ang reaksiyon mo? Akala mo ba patay na ako? Siguro kanina ka pa nagdasal na mapahamak ako para mawala na ako sa landas mo." Nakaismid na sabi nito.

Naningkit ang mga mata niya at inis na itinulak ito palayo sa kaniya.

"Fuck! Bakit mo ako itinulak?" nanlilisik ang mga matang singhal nito sa kaniya. Siya naman ang umismid at pinamaywangan ito.

"Oo! Dahil masama ang ugali mo. Sa tingin mo ba kagaya mo ako para magdasal ako na may ibang mapahamak para lang sa sarili kong kapakanan?"

"Hindi ba?" pasarkastikong tanong nito. "Iyon lang naman ang paraan mo para makawala ka sa akin."

Parang mauubusan na ng pasensiya na umiling na lang siya.

"Nasaan ang kaibigan ko?"

"Kaibigan mo iyong babae na panay ang buntot kay Chad?"

"Oo."

"Isinama na siya ni Chad."

"Nasaan ang mga kasama mo?"

"Umalis na."

"Ang mga kaaway ninyo?"

"Patay na-"

"Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo."

"Umuwi na."

"Uuwi na rin ako. Si Megan lang naman ang ipinunta ko dito." Tinalikuran na niya si Kent at aktong aalis na nang marinig niya itong magsalita.

"Hindi mo man lang ba itatanong kung may sugat ang master mo? O baka nabalian ako? Anong klase kang slave?"

"Nakakapagsalita ka pa nga at humihinga kaya sa tingin ko ay okay ka naman at-" napangiwi siya nang maramdaman ang paghawak nito sa isang braso niya bago siya nito hinila paharap ulit dito.

"Nasaktan din ako. Wala ka man lang bang pakialam?"

"Kailangan ba intindihin ko ang lahat ng mga taong nasasaktan?" naiinip na tanong niya.

"Ako lang ang pinag uusapan dito, huwag mong isingit ang ibang tao. Nasaktan ako kanina, may sumapak sa akin." Nahimigan niya ang pait sa tinig nito at kahit pigilan niya ang sarili ay alam niyang naantig ang puso niya.

Nakuha nito ang atensiyon niya pero pilit na pinagtatakpan pa rin niya ang pag aalalang nararamdaman para kay Kent.

"Pride mo lang ang nasaktan."

Nang salubungin niya ito ng tingin ay halos hindi niya magawang ikurap ang mga mata nang mapansin ang pagdaan ng matinding emosyon sa mga mata nito. Nag isang linya ang mga kilay nito bago siya marahas na binitiwan. Kung hindi pa niya nakita ang pag iling nito ay hindi niya mapapansin ang malaking pasa sa kaliwang pisngi nito.

"May pasa ka sa pisngi!" nag aalalang hinawakan niya ang isang braso nito pero tinabig lang siya nito.

"Umuwi ka na, wala ka naman pakialam 'di ba? Ilang pasa na ang nakuha ko kaya hindi ako mamamatay dito." Pasarkastikong wika nito.

Daig pa nito ang batang nagtatampo dahil mahahalata sa tinig nito na talagang nainis ito sa mga sinabi niya kanina.

Napabuntong hininga na lang siya at hinila ito sa braso.

"Tara na!" kahit malaking tao ito ay pinilit niyang hilahin ito palabas ng building.

"Saan?" nagtatakang tanong nito.

"Maghahanap tayo ng tindahan na pwedeng mabilihan ng yelo para magamot 'yan pasa mo sa mukha." Pinanlakihan niya ito ng mata nang mapansin na parang gusto pa nitong magprotesta.

"Fine!" nakasimangot na sabi nito at tuluyan nang nagpahila sa kaniya.

Sa isang sari-sari store na pinakamalapit sila nakabili ng yelo. Hindi na siya nagsayang pa ng oras at agad na binasag sa pader ang yelo. Kumuha siya ng ilang piraso ng durog na yelo at ibinalot iyon sa panyo niya.

"Upo." Utos niya kay Kent.

Tumaas ang isang kilay nito at parang ayaw pa siyang sundin. Pumalatak lang siya at hinila ito paupo sa mahabang upuan na yari sa kahoy. Mabuti na lang at pasado alas siyete pa lang ng gabi kaya may nakita pa rin silang bukas na tindahan.

Tumabi siya ng upo sa lalaki at idinikit ang malamig na panyo sa pisngi nito. Napaigik ito at tiningnan siya ng masama.

"Sorry, hindi mo naman siguro pipilipitin ang kamay ko, 'no?" tanong niya at sinulyapan ang kamay nito na nakapigil sa kamay niyang may hawak na panyo.

Tiningnan lang ulit siya nito ng masama bago siya hinayaan na ituloy ulit ang ginagawa niya. Mula sa screen ng tindahan ay dumungaw ang may ari na matandang lalaki.

"Anong nangyari diyan sa boyfriend mo?"

Pareho pa silang natigilan nang marinig ang tanong ng matanda. Iglap lang ay naging abnormal na ang tibok ng puso niya. Pilit na kinalma niya ang sarili at nagpakawala ng pekeng tawa.

"Naku manong, hindi ko po gugustuhin na magkaboyfriend ng isang basagulero." Sabi na lang niya.

Bahagya pa siyang natigilan nang mapansin na muling hinawakan ni Kent ang kamay niya. Napaawang ang mga labi niya nang pagalit na tabigin nito ang kamay niya at padabog na tumayo ito.

"Saan ka pupunta?" nalilitong tanong niya.

Sakto naman na humimpil sa tapat nila ang sasakyan na susundo dito. Bago pa sila nakarating sa tindahan ay narinig niya kanina na tumawag sa driver nito para magpasundo.

"Uuwi na!" asik ni Kent sa kaniya. Binuksan nito ang pinto sa backseat ng kotse at hindi na siya muling tinapunan pa ng tingin.

Nanatili lang siyang nakatayo at nakatitig sa binata habang ito naman ay nakatingin sa unahan ng sasakyan at hindi na muling umimik pa.

"Ma'am, hindi ka po ba sasakay? Ihahatid ko na rin po kayo." Alok ng mabait na driver sa kaniya. Sa narinig ay napatingin siya sa driver. Magalang na umiling na lang siya ng wala siyang marinig na reaksiyon mula kay Kent.

"Okay na ako, kuya. Safe naman po dito at saka walking distance lang ang bahay namin kaya makakauwi ako agad." Pagsisinungaling niya.

"Sige po." Nag aalangan man ay tumango na lang ito at isinara na ang pinto sa backseat. Napailing na lang siya at tinanaw ang papalayong sasakyan.

Ano ba ang nangyari sa isang iyon? Daig pa ang matandang dalaga na pabago bago ng mood.

BLACK SOULS SERIES BOOK 1: KENTON DEL TIERRO (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon