1

2.8K 41 1
                                    

"'Tol, tingnan mo ito, ito pa, wait may isa pa. Ang sexy nila!"

"Ano ba!" inis na tinabig ni Kent ang kamay ni Lenox. Napapalatak ito ng kamuntik nang malaglag ang iPad na hawak nito. "Ikaw kasi," sisi niya sa kaibigan.

Lumabi naman ito at inirapan pa siya.

"Gusto ko lang naman sa'yong ipakita itong mga porn videos na idinownload ni Thadeus. Napanood na namin kanina, isa lang ang masasabi ko dude, the best!"

Marahas na napabuntong hininga siya at mas lalo pang binilisan ang paglalakad. Hindi niya pinansin ang mga estudyanteng nakakasalubong niya sa hallway ng campus at mas piniling huwag nang sumabay pa kay Lenox. Nakakahiya kasi ang mga pinagsasasabi nito at kung maririnig ito ng iba ay baka isipin pa ng mga ito na pervert ang leader ng Black Souls.

"Itago mo na nga 'yan, baka masermunan ka pa ni ma'am." Naiinis na utos niya nang sundan siya ni Lenox.

Hindi pa rin ito nagpaawat at kahit na naglalakad sila ay iningudngod pa rin nito sa kaniya ang iPad.

"Mag e-enjoy ka, dude!"

"Lenox!" inis na binatukan niya ito.

Lumabi naman ito at umiwas na sa kaniya. Habang naglalakad ay patuloy lang ito sa panonood ng video sa iPad. Isinalpak pa nito ang headphone sa magkabilang tenga para walang makarinig sa kalokohan nito.

Napailing na lang siya at hinayaan ang kaibigan. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pagdantay ng mabigat na kamay sa balikat niya.

"Cross." Bati niya.

"Anong nangyari sa isang 'yan?" tanong nito at ininguso si Lenox.

Hinawakan niya ang kwelyo ng polo ni Lenox at hinila ito dahil kamuntik na itong bumangga sa sementadong poste.

"Thanks."

"Wala. Kinain na ng porn."

Ngumisi si Cross. "Nanood ka ba?"

Napaismid siya. "Bakit pa ako manonood kung kaya ko naman gawin?"

"That's my boy!" tumawa ito at tinapik tapik siya sa balikat. "Nasaan ang iba?"

"Nagkakalat, ewan ko sa kanila. Sana naman bago sila gumala sa campus ay isinama na nila ang isang ito bago pa ako tuluyang maubusan ng pasensiya. Masyadong mahilig!"

"Kahit naman ipagtabuyan mo pa 'yan si Lenox, hindi ka iiwan niyan."
Pumalatak siya.

Idol daw kasi siya ni Lenox kaya nang ipatawag niya ito noong freshmen pa sila ay hindi ito nagdalawang isip na pumunta sa meeting. Napahanga daw niya ito dahil nasaksihan nito kung papaano niya pinatulog si Wilbert sa isang sipa lang niya. Sa labis na paghanga sa kaniya ni Lenox ay halos hindi na nga siya nito iniiwan. Palagi na lang itong nakabuntot sa kaniya kahit saan pa siya magpunta.

"Graduating na tayo sa highschool kaya okay lang naman na manood ng porn paminsan minsan."

"Okay lang kahit nasa school?" pasarkastikong tanong niya kay Cross.
Nagkibit balikat ito. "Basta huwag kang magpapahuli. Kungsabagay kahit mahuli ka ng teacher hindi ka naman nila mapapagalitan. Duda ako na magagawa nilang kantiin ang anak ng vice president ng bansa."

"Stepson."

"Fine. Stepson. Hindi ba kayo nagugutom?"

"Hindi." Umiling siya.

Breaktime na nila kaya ang karamihan ng mga estudyante kung hindi nagkakalat sa campus ay nasa cafeteria para kumain.

"Itong si Lenox busog na busog na sa porn kaya hindi na 'yan kakain."

BLACK SOULS SERIES BOOK 1: KENTON DEL TIERRO (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon