11

488 20 6
                                    

Wala pa man isang oras na nagsisimula ang party ay nakakaramdam na agad nang pagkainip si Kent. Dapat ay wala naman siya doon kaya lang ay palagi daw siyang kinakamusta ng ninong Romer niya kaya napilitan ang daddy niya na isama siya sa birthday party nito na ginanap sa isang hotel.

Marami naman siyang mga kaedad at mga kakilala na naroon sa party pero ayaw niyang makisalamuha sa mga ito. Nakontento na lang siya na maupo sa isang sulok at magmasid masid sa paligid.

“Anak,”

“Hey, mom!” pilit na ngumiti siya nang lumapit sa kaniya ang ina.

Mahigit isang buwan din silang hindi nagkita dahil maliban sa madalas itong magstay sa mansiyon ng daddy niya ay pabalik balik din ito sa Canada sa hindi niya malamang dahilan.

“Nakita mo na ba ang daddy mo?” tanong nito bago naupo sa tabi niya.

Umiling lang siya. “Tinawagan lang niya ako kagabi para ipaalam na kailangan kong umattend sa party.”

Nakita niya ang pagdaan ng hindi maipaliwanag na sakit sa mga mata nito. Masuyong tinapik nito ang pisngi niya at matagal na pinagmasdan siya.

“Kamukha mo ang daddy mo.”

Pareho silang natigilan sa sinabi ng ina. Base sa reaksiyon nito ay alam niyang nadala lang ito ng emosyon at hindi sinasadyang banggitin iyon.

Alam niya na hindi ang kinikilala niyang ama ang tinutukoy nito. Nagawa niya noon na maipagtapat sa mga magulang niya ang tungkol sa natuklasan niya pero wala naman siyang narinig na kahit ano mula sa mga ito.

“Mom…”

“S-sorry,” pilit na binago ng ina ang reaksiyon at nag iwas ng tingin sa kaniya.

Mabigat ang pakiramdam na bumuntong hininga na lang siya. Alam niya na kahit pilitin niya ito ay hindi niya ito mapapaamin kung sino talaga ang totoong ama niya. Natatakot din naman siyang magtanong kaya mas mabuti pa na umiwas na lang sila sa ganoong topic.

Palaging sinasabi sa kaniya nito na hindi pa daw ngayon ang tamang panahon para makilala niya ang tunay niyang ama. Masyado pa daw komplikado ang lahat. Lalo pa ngayon na may iniingatang posisyon sa gobyerno ang daddy niya.

“Mom, can I ask you something?” lakas loob na tanong niya.

“Ano iyon, anak?”

“Masamang tao ba siya?”

“Kent—”

“Iyon lang ang kailangan kong malaman sa ngayon, hanggang doon lang ang kaya kong itanong sa'yo, mommy. Kahit iyon lang, ibigay mo na sa akin ito, please?” nagsusumamong sabi niya at tumingin dito.

Bahagyang lumambot ang mukha nito at dahan dahang tumango.

“Mabuti siyang tao, alam kong magkakasundo kayong dalawa.”

“I hope so.” Sabi na lang niya para tapusin na ang usapan.

Niyakap lang siya ng ina at nagpaalam na ito na kakausapin ang asawa ng ninong niya. Tumango na lang siya at hinayaan itong umalis. Dahil walang magawa ay nagpasiya siya na maglibot na lang hanggang sa makalabas siya ng function hall na pinagdarausan ng party ng ninong niya. Lumipas ang mahigit kalahating oras at tuluyan na siyang nainip kaya nagpasiya siyang umuwi na lang.

Hindi niya makita ang mga magulang kaya nagdesisyon siya na tawagan na lang ang mga ito mamaya para ipaalam na umalis na siya.
Dumiretso siya sa parking lot ng hotel kung saan naghihintay ang driver niya. Nang makita siya nito ay parang bigla pa itong nagulat kaya agad na nagtaka siya.

“May problema ba?”

“Eh sir..” napakamot ito sa batok at parang walang maisip na sabihin sa kaniyang dahilan.

Tiningnan lang niya ito at naglakad na palapit sa kotse. Nakita niya ang kotse ng daddy niya na nakapark sa tabi ng kotse niya at nang tingnan niya ang loob niyon ay nakita niya ang ama sa loob na may kahalikang babae. Kahit madilim sa loob ng kotse ay hindi maikakaila na ang ama niya ang nakita niya. Wala naman ibang pwedeng gumamit ng kotse nito maliban dito.

Napalunok siya at mabilis na nag iwas ng tingin. Dahil siguro sa pagpipigil ng sariling emosyon ay naramdaman na lang niya ang pananakit ng lalamunan niya. Nanginginig ang mga palad na binuksan niya ang pinto sa backseat ng kotse at sumakay na siya. 

“Uuwi na po ba tayo, sir?” tanong ng driver sa kaniya. Mariing ipinikit niya ang mga mata at pilit na inalis ang bara sa lalamunan niya.

“No, sa ibang lugar mo ako ihatid.” Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ng driver niya nang idetalye niya dito ang lugar na tinutukoy niya.

I badly need to see you, ikaw lang ang alam kong makakatanggal ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Can you help me?

BLACK SOULS SERIES BOOK 1: KENTON DEL TIERRO (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon