16

2K 32 22
                                    


“Dude! Bakit parang kanina pa mainit ang ulo?”

Sa halip na sagutin ang tanong ni Chad ay sinimangutan lang niya ito. Kanina pa talaga mainit ang ulo niya dahil nakita niyasi Bullet na kausap ang kaklase nitong si Pipoy. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya kapag naaalala na suot ni Bullet ang hairband na ibinigay ng lalaki.

Napaismid siya nang maalala ang dahilan ni Pipoy kung bakit nito binigyan ng hairband si Bullet. Gusto daw nitong magpasalamat dahil sa ginawang pagtulong noon dito ng huli. Hindi siya tanga para hindi mahalata na may ibang pakay ito. Halata naman sa mga paraan nang pagtitig nito na may crush ito kay Bullet.

At nagseselos ka naman? 

Kantiyaw ng kabilang bahagi ng isip niya.

Umiling lang siya at marahas na nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Nagsalubong ang kilay niya nang akbayan siya ni Thaddeus.

“Nagseselos ka ba dahil nakita mo sila Pipoy at Bullet na magkasama kanina?” tanong nito.

“Ano ba!” inis na siniko niya ito sa tagiliran. Napaigik naman ito at umiwas na sa kaniya.

Mas lalong nag init ang ulo niya at sinipa ang lata ng basurahan na nakita niya. Hindi nakaimik ang mga kaibigan niya at hinayaan na lang siya. Inis na inis siya sa sarili niya dahil hindi niya alam kung bakit kailangan niyang maturete nang sundan niya si Bullet sa sports hall at nang makitang si Pipoy pa ang kapartner nito sa activity ay tuluyan nang sumama ang mood niya. Pati tuloy ang mga kaibigan niya ay napagbalingan niya ng inis niya.

Dapat nga ay nakauwi na silang pito pero parang wala naman balak ang mga kaibigan niya na pabayaan na lang siya. Ni hindi man lang siya binigyan nang pagkakataon ng mga ito na mapag isa.

“'Tol, nagseselos ka nga talaga.” Naiiling na wika ni Dark habang naglalakad sila sa hallway. Pumalatak siya at tiningnan ito ng masama.

“Ako? Nagseselos? At bakit?”

“Anong bakit? Singit naman ni Jared.

“Natural kasi gusto mo siya. Obvious naman dude, huwag mo nang itanggi pa.”

Bahagya siyang natigilan nang maramdaman ang biglang pagbilis ng pintig ng puso niya. Napailing siya at mas piniling tumanggi pa rin kahit alam niya na may punto ang mga ito.

“Hindi ako magkakagusto sa isang katulad lang ni Bullet. Hindi ako basta magseselos dahil lang nakita ko silang magkasama ni Pipoy o kahit binigyan pa siya ng lalaking iyon ng hairband. Slave ko lang siya at hinding hindi ako magkakagusto sa isang katulad niya—”

“'Tol!”

“Ano?” tanong niya kay Dark nang tapikin siya nito sa kaliwang balikat.

May kung anong ininguso ito sa kaniya sa bandang dulo ng hallway. Nang sundan niya ng direksiyon ang tinitingnan ng mga kasama niya ay natigilan siya nang makita na naroon si Bullet at umiiyak na nakatingin lang sa kaniya.

“Uh-oh, narinig niya ang mga sinabi mo.” Ani Cross.

Halos itulak na siya nila Lenox at Thaddeus palapit kay Bullet pagkatapos ay umalis na ang mga ito para mabigyan silang dalawa ng privacy.

“Bullet, I—”

Pinahid nito ang mga luha at mabilis na umiling. “Nagpunta lang ako dito para tingnan kung nakauwi ka na. Late na kasing natapos ang activity namin sa PE.”

“Ah,” pasarkastikong tumawa siya.

Hindi na naman niya mapigilan ang makaramdam ng inis nang maalala na si Pipoy ang kapartner nito sa activity.

“Obvious nga, mukhang nag enjoy ka nga na kapartner si Pipoy.”

Tumalim ang tingin nito sa kaniya kaya naitikom niya agad ang bibig niya.

“Mabait si Pipoy—”

“Kaya ba tinanggap mo ang bigay niya sa'yong hairband?” nagsisikip ang dibdib na tanong niya.

“Ito ba?” hinubad nito ang suot na hairband at ibinato sa kaniya.

“Isaksak mo sa baga mo!” umiiyak na bulyaw nito sa kaniya.

“Bullet..” natitigilang sambit niya.

Tinangka niya itong lapitan pero itinaas lang nito ang kanang kamay para pigilan siya.

“Bakit ba ang laking issue sa'yo ng hairband na ‘yan? 'Sabi mo sa mga kaibigan mo hindi ka magkakagusto sa akin pero bakit pinanghihimasukan mo ang buhay ko? Oo slave mo lang ako pero wala kang karapatan na pigilan ang mga taong gustong lumapit sa akin.”

“Let me explain—”

“Ayoko!” humihikbing tinalikuran na siya nito.

Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa sa takot na baka kapag hinabol niya ito ay mas lalo pa itong tumakbo palayo sa kaniya.

Inis na sinabunutan niya ang sarili at hindi na mapigilan ang pagsabog ng emosyon niya.

“Nagseselos ako! Naiintindihan mo ba? Nagseselos ako kapag may ibang lalaki na lumalapit sa'yo. Sinasabi ko lang na hindi ako pwedeng magkagusto sa'yo dahil gusto kong pagtakpan ang totoong nararamdaman ko. Gustong gusto kita, Bullet! At kahit anong gawin ko ay hindi na magbabago pa ang nararamdaman ko sa'yo.”

Hinintay niyang tumigil ito sa paghakbang pero hindi naman nangyari iyon. Parang wala itong ibang narinig at nagpatuloy pa rin sa paglalakad at iniwan na siya.

Nanlulumong tinanaw na lang niya ang papalayong pigura nito.

Nang makauwi ay parang wala pa rin si Kent sa sarili. Sa garahe ng mansiyon ay natanaw niya ang sasakyan ng mommy niya kaya nagmamadaling umakyat siya sa second floor para hanapin ito. Nagimbal siya nang makita ito sa living room kasama ang taong noon pa man ay kinamumuhian na niya.

“Allan…” parang bigla siyang nanghina nang makita ang pinsan niya.

Nakangising lumapit ito at niyakap siya. Pasimpleng umiwas siya dito at nagtatakang tumingin sa ina.

“Magbabakasyon na muna dito si Allan ng ilang weeks sa Pilipinas. Mas mabuti na rin na nandito siya para may kasama ka sa tuwing wala kami ng daddy mo.” Sabi ng mommy niya.

Mapaklang tumawa siya at tiningnan ng masama ang lalaki. Nang umalis ang ina ay tuluyan nang nawala ang ngiti sa mga mata ni Allan.

Binigwasan siya nito sa mukha na hindi naman agad niya naiwasan. Sa inis ay sinuntok din niya ito at gulat na sumadsad ito sa sahig. Dinuraan niya ito sa mukha bago siya nagmamadaling umalis dahil baka mas matindi pa ang magawa niya dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BLACK SOULS SERIES BOOK 1: KENTON DEL TIERRO (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon