“Sir Kent, hindi po ba talaga natin siya ihahatid?” Napilitan magmulat ng mga mata si Kent nang marinig ang tanong ng driver niya.
Hindi na naman niya mapigilan ang pagbangon ng inis sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang makaramdam ng ganoon kay Bullet. Bakit nga ba siya biglang nainis nang sabihin nito na hindi ito papatol sa katulad niyang isang basagulero? Kahit siya ay nabigla sa naging reaksiyon niya kanina.
Bakit mo ba ako unti unting binabago?
Marahas na napailing siya.
“Sinabi naman niya na malapit lang ang bahay nila kaya hayaan na lang natin siya.”
“Pero sir, delikado na po kasi ngayon kaya hindi tayo pwedeng magtiwala na lang sa sinabi niya. Ilang estudyante na rin ang kamuntik ng mapahamak dahil sa paglalakad sa kalsada ng mag isa.”
Natahimik siya. Parang gusto na niyang bulyawan ang driver at idamay ito sa inis niya kay Bullet.
Bakit pa kasi nito ipinaalala sa kaniya ang babae. Nagtulog tulugan na nga siya kanina para lang pilit na kalimutan si Bullet tapos bigla naman itong magtatanong sa kaniya.
“Sir?”
Kamuntik na niyang maiuntog ang ulo sa headrest ng upuan dahil sa kakulitan ng driver. Hindi niya magawang mainis dito dahil alam niya na mas dapat lang na sa sarili niya siya mainis. Maliban kasi sa driver ay mas ang sarili pa ang kumukumbinsi sa kaniya na balikan si Bullet.
“Ibalik mo ang kotse.”
Tumango ang driver at kinambiyo ang manibela ng sasakyan pabalik sa pinanggalingan nila kanina. Pero nang makabalik sila sa tindahan ay wala na si Bullet. Bumaba siya ng sasakyan at nilapitan ang matandang lalaki na abala na sa pagsasara ng tindahan.
“Nakita po ba ninyo ang kasama ko kanina?”
“Nakaalis na, sabi ko nga sa kaniya ay hintayin na lang umuwi ang anak ko dahil may tricycle iyon at doon na lang siya magpahatid.”
“Po? Akala ko po ba malapit lang dito ang bahay niya?”
Umiling ang matanda. “Nabanggit niya kanina kung taga saan siya pero nakalimutan ko na basta medyo malayo dito. Siguradong naglakad lakad na siya ngayon at naghahanap ng tricycle—”
Hindi na niya inintindi pa ang ibang sinasabi ng matanda at patakbong bumalik siya sa sasakyan. Nagmamadaling inutusan niya ang driver na hanapin si Bullet.
“Damn!” halos madurog na ang kamao niya habang mariing nakakuyom iyon dahil sa labis na pag aalala.
Mabagal lang na umaandar ang sasakyan habang nakadungaw siya sa labas ng bintana para hanapin ang babae. Umaasa siya na makikita niya agad ito.
Pero paano kung may masamang mangyari dito? Hinding hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag napahamak ito ng dahil sa kaniya.
“Nakita ko na siya, sir!”
Dama niya ang paglukso ng puso niya nang ituro sa kaniya ng driver ang isang bakal na poste. Dahil maliwanag naman ay agad na nakita niya si Bullet. Nakaupo ito sa sahig habang nakayukyok ang ulo at parang nakatulog na sa paghihintay ng tricycle na dadaan sa parteng iyon.
“Fuck!” halos tumalon na siya palabas ng kotse at patakbong nilapitan ito.
“Hey! Lumuhod siya at hinawakan ito sa balikat.
Umungol lang ito at naghihilik na bumagsak sa mga bisig niya. Natigilan siya at hindi agad nakakilos nang maramdaman ang kakaibang init na nagmula sa katawan nito.
Mahinang tumikhim siya para pigilan ang hindi maipaliwanag na emosyon na bumalot sa puso niya. Naaawang hinaplos niya ang ulo ni Bullet.
“Masyado ba kitang pinapahirapan kaya parang ang bilis mong makatulog kahit nasa kalsada ka na?” naiiling na tanong niya sa naghihilik na babae.
“Sir, anong gagawin natin? Hindi naman po natin alam kung saan siya ihahatid.” Tanong ng driver nang makalapit ito.
“Tawagan mo sila manang Lolet at sabihin mo na ihanda nila ang guest room.” Utos niya.
“Sige po.”
Maingat na pinasan niya si Bullet. Nang pagmasdan niya ito ay parang may mainit na palad ang humaplos sa puso niya nang makita ang matinding pagod sa maamong mukha nito.
“Let’s go home, okay? At least kahit basagulero ako, makakasiguro ka na wala akong gagawing masama sa'yo.” Sabi niya at saka mapait na ngumiti.Isang mahinang ungol lang ang naging tugon ni Bullet sa kaniya.
BINABASA MO ANG
BLACK SOULS SERIES BOOK 1: KENTON DEL TIERRO (Ongoing)
General FictionNagulo ang tahimik na buhay ni Bullet mula nang tulungan niya ang isang kaklase sa pambubully ng isang mayabang na schoolmate nila. Sa pag aakalang kasabwat ng mga bully si Kent ay aksidenteng nasuntok niya ito sa mukha. Mula noon ay naging magulo...