FEELINGERA -1-

86 4 0
                                        

Irene (RedVelvet) as ERA and Seulgi (RedVelvet) as CINDY. See picture at the side >>

"I'm Erica Martinez, You can call me Era. I was born on June 12. 1997 in Ospital ng mga kagandahan. I lived in Tirahan ng mga kagandahan village. I graduate in Kagandahan High School. Again, I'm Erica "Era" Martinez, Thank you"

"Okay, around of applause for Ms.Martinez for her wonderful introduce. Thank you Era, Okay next" Sabi ni Mrs. Rodriguez. Proffesor namin.

Medyo sumakit pa bangs ko dun. Napa sabak pa ako sa english. *hawi ng buhok* Hayss. Kahit naka aircon, ang init parin. Bakit ba kasi ang HOT ko. Sakit sa bangs! Kekeke. Wala pala akong bangs.

Ngayon ang unang araw ko sa pagiging kolehiyo. Taray! Nag aaral ako ngayon dito sa Tanging Unibersidad ng mga Kagandahan. For short Kagandahan University. Para lang ito sa mga magaganda.

Ako si Erica Martinez. Era na lang. Maganda ako, alam ko 'yon. I'm single. No boy friend since birth. Hindi porket walang boyfriend pangit agad. Ibig sabihin lang nun marunong kaming mag hintay. Right time at right guy kuno. Yun ang tunay na maganda! Thank you. Matalino ako. Alam ko 'yon. Proud ako sa sarili ko.

Hindi pa kami masyadong nag-class ngayon. Puro introduce lang. Maganda 'yung nakuha kong schedule. Ayoko kasi ng ginagabi ako sa pag uwi. Tourism ang kurso ko. Pangarap ko talaga 'yun.

Natapos na ang dalawang subject ko. May break ako ng dalawang oras. Tapos may class uli ako ng dalawang subject. Tapos uwian na! Hayahay!

Ako mismo namili ng schedule ko. Advance kasi ako nag enroll. Syempre ayoko ng naghahabol. 'Ganon talaga pag maganda. Hays.

Taas noo akong naglalakad. Syempre naman. Masyado kasi akong maganda para yumuko.

Nag bigay daan saakin ang mga estudyante. Magaling! Dahil ako si ERA.

Pipila na sana ako kaso may babae na kinausap ako, "Ate Era, mauna ka na po" sabi niya. Hindi ko siya kilala. Base sa obserbasyon ko ay 1st year collage siya. Syempre!

Ngumiti ako. "Thanks, wag 'Ate' di tayo mag kapatid. At tyaka pinapatanda mo naman ako masyado. Anyway, thank you" sabi ko at tinalikuran na siya.

Nung turn ko na, nag order lang ako ng usuall na kinakain ko. PIZZA at dalawang Mogu-mogu. Binayaran ko na at nag punta na ako sa table ko. Kaya naging table ko, ako lang kasi ang gumagamit.

5 slice pizza ang in-order ko. Hindi naman ako tataba kahit kainin ko isang box. At kahit kainin ko buong pagkain dito sa cafeteria, hindi talaga ako tataba. Sakto lang. Hindi ako payat at mataba.

Oh well. Ba't ba napunta sa topic na 'yon?

Sanay akong mag isa. Actually lagi naman talaga akong mag isa. Sanay na ako. May mga kaibigan naman ako kaso insecure sila sa'ken dahil mas maganda daw ako kesa sakanila. Hindi naman sa nagyayabang.

Speaking of friends. May halimaw na tumatakbo papunta sa'kin.

"ERAAAAAAAAAAA" Makabasag eardrum na sigaw ni assumerang si Cindy.

Ayst! *Takip panyo sa mukha* kahit kelan talaga 'yang babae na 'yan! Eskandalosa. Napaka ingay. Parang walang manners. Nakakahiya kaya. Isigaw ba naman pangalan ko? Baka kung anong isipin ng ibang tao.

"Hoy! Ang chaka mo! Nakita na kita eh magtatakip ka pa!" Kinuwa niya bigla yung panyong nakatakip sa mukha ko.

"Akin na nga 'yan" inis na sabi ko at kinuha sakaniya 'yung floral na panyo ko. "Ano na naman kasi? Kaylangan talagang isigaw pangalan ko?" Inis parin na sabi ko.

"Asus! Ayaw mo 'yon? Sikat na naman tayo? Tignan mo oh!" Tinuro niya yung mga babaeng nag bubulungan na halata namang kami 'yung pinag uusapan. Hello! Obvious kaya! Dagdag pa niya, "Tayo na naman ang topic nila. Tsss. Akala naman nila mari-reach nila ang beauty natin? Tch! In her dreams" sabi niya at nag flip pa ng hair niya.

Era FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon