Era, Cindy, and Mandy, See picture at the side >>
----------
The next day. Hindi ako masyadong jolly type. Usually kasi maharot ako diba? Wala din ako sa mood makipag usap. Mag sasalita lang ako kapag tinawag ako ng prof. Hindi pa tumawag si mommy sakin kagabi at kanina.
Napa-isip ako. Galit kaya sila sakin?
Hindi pa ako nag check ng account ko kung nagpadala na sila ng pera 'don. Bahala na. Mag titipid muna ako ngayon. Bahala na si batman.
Wala di ako sa mood makipag asaran kay Cindy.
Si James hindi ko pinapatulan ngayon. Hindi ko siya pinapansin. Dedma lang palagi. Ang bilis nga ng oras ngayon. Si James naman walang ginawa kundi sundan at kulutin ako. At pag hindi ko siya pinapansin ganyan lagi sinasabi niya.
"Mag papalit ako ng schedule. Yung kagaya sa 'yo" paulit-ulit na sinasabi niya.
Ano kayang nangyari sa utak nito?
"Sira ulo ka? Paulit-ulit lang? Unlimited? Kanina ka pa! Naririnig ko! Hindi ako bingi" Naiinis na sabi ko sakaniya.
Tourism din kasi ang kurso niya.
"Para nga mag kasama tayo eh. Choosy ka pa?" Sabi niya.
"Tigilan mo ako, James" sabi ko at sinabit ko na 'yung bag ko sa balikat ko at tumayo na.
Wala na tuloy akong ganang kumain.
"Huy, saan ka pupunta?" Pahabol niya.
"Sa lugar kung saan wala ka!" Sabi ko at nag walk out na.
-
Uwian..
"Hi Ers" bati sakin ni Mandy. Kapatid siya ni Cindy.
"Hi din Mands" bati ko din sakaniya.
"Blooming ka ngayon Ers ha?" Sabi niya.
"Naku naman Mands. As always. Every second, minute, hours, day, weeks, month and years I'm still blooming, oh I mean pretty" pag puri ko sa sarili ko. Nagsasabi lang ako ng totoo.
"Yeah right. Kaya tignan mo si Cindy, mas mukha pang matanda kesa sakin. Hindi kasi marunong mag ayos" sabi ni Mandy at tinignan pa niya kapatid niya.
"Hoy" sabi ni Cindy at dinuro pa niya si Mandy, "Hoy kayong mga feelingerang assumerang laiterang kayo! Wag niyo nga ako idamay sa mga pagpapa-pantasya niyo!" Sigaw niya samin.
Okay.
"Drama mo sis." Sabi niya kay Cindy at inakbayan niya. "Una na kami Ers." Sabi nila at nag paalam na.
Lumabas na din ako ng school. Sasakay sana ako ng taxi kaso naalaa ko wala nga pala akong pera. Kaya nilakad ko na lang. Sa kanto na lang ako sasakay ng jeep.
Kaylangan ko talagang mag tipid ngayon dahil 'yung pera ko na lang eh 'yung winidraw ko last week. Hindi pa ako nag che-check ng account. Nag hahalo-halo na kasi ang emosyon ko. Hindi ko alam gagawin ko. Kung pupunta ba ako ng banko o hindi. Kasi pag pumunta ako tapos wala naman palang padala sakin. Parang nakakahiya naman 'yun. At tyaka ayokong ma-dissapoint sa sarili ko. At isa pa, hindi ko din naman patatagalin 'yung away namin ni dad. Hello, 'di kaya ng ganda ko 'yun.
Ito ako ngayon. Alay lakad ang beauty ko.
*Sound effect ng kulog with kidlat* *Bgghspphq!!*
"AYY! CHARARAT KA" Sigaw ko sa gulat.
Naku naman! Uulan ba? Wag naman sana. Ang ganda na nga ng pag senti at pagka-emo ko dito tapos dadamayan pa ako ng panahon! Ang chaka naman.
Naman eh! Badtrip 'to ah! Takot pa naman ako sa kidlat! Naknam!

BINABASA MO ANG
Era Feelingera
Teen FictionOriginal Story by: athenaxcarpio All Rights Reserved. 2014 Era Feelingera Makaka-kuha kayo ng Tips and Advice dito. READ IT GUYS! HOPE YOU ENJOY READING IT :)