FEELINGERA -13-

15 0 0
                                    

"Nanay, ang bango naman po nang mga bulaklak natin. At ang bango bango niyo din po. Amoy bulaklak po kayo"

"Oo anak. Alagang alaga ko ito. Dito kita pinaglihi. Sa bulaklak. Kaya lagi kang mabango. Kaya tignan mo ang ganda ganda mo!"

Nang tignan ko ang mukha ni nanay ay nagulat ako. Bakit ganyan ang mukha niya? Bakit tila isang malabo lang ito?

Hinawakan ko ang pisngi ni nanay. "Nanay, ano po ang nangyayari sainyo?"

"Anak. Lagi mong tatandaan. Mahal ka nang nanay ha? Kahit maghiwalay tayo. Mahal na mahal kita"

"Asus ang nanay. Alam ko po 'yun. Mahal na mahal ko din po kayo nay. Wag niyo po akong iiwan ah?"

"Oh halika. Payakap nga sa maganda kong anak!"

Niyakap ko si Nanay. Si Nanay naman ay ang higpit nang yakap sakin na parang wala nang bukas.

Nakaramdam ako nang malakas na hangin.. Sobrang lakas na hangin. Kaya napahilig ako sa dibdib ni nanay. Si nanay naman ay hinawakan ako sa ulo at hinigpitan ang pagkayakap sakin.

Sobrang lakas nang hangin. Tila parang isa itong bagyo. Hanggang sa napapikit ako at sinabi kay nanay na.."Wag mo akong iiwan, nay"

At kasabay naman nito ang nakakasilaw na liwanag.

"Mahal na mahal kita, anak"

Nang marinig ko ang katagang yan ay biglang tumigil ang malakas na hangin. Kasabay non ang pagkawala nang mga liwanag...at ang bagay na ayokong mangyari. Pag mulat ko nang mata, walang nanay. Walang nanay na nakayakap ng mahigpit saakin.

Hinanap ko si Nanay, nakita ko ang mga bulaklak, lahat nalanta, lahat nasira. Tila lahat nang 'yon ay nawalan na nang buhay. Kaya nagsimula akong umiyak..umiyak nang umiyak.

"Nanay! Nanay!" Sigaw ko. Nagbabakasakaling marinig ako ni nanay at balikan niya ako.

Pero wala, napagod na lang ako kakasigaw. Wala na.. Walang nanay.. Wala na ang nanay ko.

Naramdaman ko ang mga palad na humawak sa balikat ko. Nang harapin ko 'yon ay biglang lumawak ang ngiti ko sa labi.

"Nanay!" Ngunit ganon parin. Malabo at puti lang ang nakikita ko sa mukha ni nanay. "Bumalik ka! Binalikan mo ako" Tuwang tuwa na sabi ko.

"Tatandaan mo lagi na mahal ka ni Nanay ah? Wag mo akong kakalimutan anak!" Sabay non ang pagyakap niya uli sakin.

*Bzzzzztt! *Riiiiiingg!

Isang nakakainis na tunog ang narinig ko. Kasabay non ang paglaho nang mga panaginip ko.

Panaginip. Panaginip lang pala.

Tuloy parin ang mga tunog..

Nagising agad ang diwa ko nang makarinig ako ng sunod sunod na malakas na katok.

Nakita ko ang phone ko na sobrang dami nang missed calls.

Sa pagkakaalam ko, bukas pa ang lipat namin ni James sa dorm. Bakit ang aga naman yata?

Nagsuot ako ng jacket at papungas pungas na lumabas ng kwarto at pinagbuksan na siya.

"Ke-aga aga James. Nambubulabog! Sarap sarap nang tulog ko eh. Bakit ba?"

"Si Tito Vic! Dinala sa ospital"

Halos buhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni James. Si Papa?

"A-anong nangyari?"

"Inatake. Era. Magayos ka na pupunta tayo nang ospital. Ihahanda ko na ang kotse"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Era FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon