FEELINGERA -9-

29 4 4
                                        

Taas noo akong naglakakad papunta sa classroom ko. Monday ngayon. I'm so happy dahil okay na ang lahat. Balik na sa lahat ang dati.

Sinalubong naman ako ng magaganda kong kaibigan.

"Hi guys" bati ko sakanila.

"Mamaya mall tayo ah?" Pagyaya ni Sara.

Nag agree naman lahat kami. Tatanggihan ba namin si Sara eh miss na miss na nga namin siyang makasam

Pumasok na kami sa unang class namin.

At syempre mag kakatabi kami. Wala ngang titibag samin. At ang kina iinis ko eh nasa likod ko si James na kanina pa ako kinukulit. Nakaka inis lang talaga! Paulit ulit ng sinasabi.

"Sabay tayo lunch break mamaya ah?" Paulit ulit niyang sinasabi. Todo tanggi naman ako.

"Ayoko nga diba? Paulit-ulit? Unli lang? Sasama ako sa mga friends ko" naiinis na sabi ko dahil paulit ulit ako.

Pero teka? Ako din naman 'yung gumagawa ng dahilan ng pag kainis ko. Bakit ko ba siya pinapansin? Hay!

"Dumating lang sila nakalimutan mo na ako. Nakakatampo ka Era ah" sabi niya. Nag act pa siya ng ngtatampo.

"Ewan ko sa 'yo James" inis na sabi ko inirapan siya.

"Ang arte mo naman" sabi niya.

"Pake mo ba?" Inis na inis na sabi ko. Kung kanina inis lang ngayon naman inis na inis.

"Dali na. Aarte pa eh" iritang sabi niya.

Magsasalita pa sana ako kaso naunahan na ako ng prof ko.

"Is there any problem Mr. Moral and Ms.Martinez?" Sita ng prof namin.

Umiling lang ako at umayos na ng upo. Hindi ko na nilingon si James.

Nakinig na lang uli ako sa pag le-lecture niya.

-

"Cindy, samahan mo ako. O-order tayo. Libre ko na" sabi ni Sara.

Sinamahan naman siya ni Cindy. Kaya kami ni Mandy dumiretso  na sa table namin.

"Ang chakabels ni James mo ah? Pero deep inside kinikilig ka 'no?" Pang asar ni Mandy.

"Kinikilabutan, hindi kinikilig" pagtatama ko sakaniya at umupo na.

"Eh nakakakilig kaya" hirit pa niya.

"Alin ang dapat ika-kilig 'don? Yung pag pilit niya sakin o 'yung pag inis niya sakin?" Sabi ko.

"None of the above. Choosy ka pa girl. Gumagawa na nga ng first move" sabi pa niya.

"Err. Shatap nga Mands. Tumataas balahibo ko eh" pag iiba ko ng topic.

"Sus. Bihira na lang kaya ang lalaking ganon. Yung yayayain ka" sabi niya.

"Ewan ko sa 'yo. Dapat ikaw na lang ang sumama sakaniya" inis na sabi ko.

"Selos ka naman"

"Tch" sabi ko na lang.

Nakita ko naman na papalapit na samin sila Cindy na may dalang tray.

"Bakit naman hindi kayo nag patulong? May waiter naman ah? Tss. Ang gaganda niyo tapos magbubuhat lang kayo? Tsk" sabi ko at umiling.

"Bakit ba? Hindi naman ako feelingera kagaya mo" asar ni Cindy.

"Mas lalo namang hindi ako kagaya mo" asar din na sabi ko sakaniya at inirapan siya.

"Magsi-kain na nga tayo at gutom na ang maganda" sabi ni Sara at nauna ng umupo.

Era FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon