New book cover. Pinaghirapan ko 'yan. Hahaha. As I promised, mag uupdate kaagad ako. Enjoy reading and happy night!
----------
Nagising ako, naramdaman kong nasa malambot na kama ako at ramdam ko ding nasa malamig na kwarto ako. Nasa condo ko na pala ako.
Pag mulat ko ng mata, nagulat ako ng makitang hindi ko ito kwarto. Kwarto ito ng panlalaki. -boy's stuff, trophy, ball, or whatsoever na gamit panlalaki.
At mas ikinagulat ko pa ng may lumabas galing banyo na naka towel lang.
Tinakpan ko ang dalawa kong nata gamit ang kamay ko tas nag sisisigaw. "Waaaahh!! Security! Help! Rape! Kidnaping! Child abbuse! Murdering! Waaahh!!"
"HOY MANAHIMIK KA NGA!!" Sigaw niya, pamilyar ang boses niya.
Pero hindi parin ako nagpatinag "BASTOS KA! MANYAK! MAPAG SAMANTALA! ANIMAL KA! WALA KANG PINAG ARALAN! HAMBOG! ADIK!" Sabi ko pa, nakatakip parin ang mata ko.
God! Bye virginity na ba? Waahh! Mommy Daddy! Hindi na ako virgin? Wala na ang pinaka iingat ingatan ko sa loob ng 17 years? Wah! Hayop tong lalaking 'to. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan.
"MANAHIMIK KA NGA ERA!!" Sigaw parin niya.
Teka? Kilala niya ako?
Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa mata ko.
Nakita ko kung sino!
Si JAMES
Tumayo ako at nilapitan siya konti. "HAYOP KA JAMES! BINABOY MO AKO. MAPAGSAMANTALA KA. KUNG ALAM KO LANG NA ITO ANG GAGAWIN MO SAKIN SANA HINDI NA AKO SUMAMA SA 'YO KAGABI! IPAPAKULONG KITA" pagbabanta ko sakaniya.
Nag iwas siya ng tingin. "Pumasok ka nga sa banyo at takpan mo 'yang katawan mo!" Sabi niya na nakatingin sa ibang direksyon.
Napatakip ako sa katawan ko. "Ay!! Mamaya ka sakin! Mag tutuos tayo!" Sabi ko sabay takbo sa banyo.
Pagpasok ko ni-lock ko agad.
Ang lalim ng pag hinga ko. Tinignan ko sarili ko sa salamin. Okay pa naman ako, walang pinag bago. Napansin ko naman 'yung suot kong damit. Suot ko pa naman 'yung undies ko, pero ibang damit itong suot ko. Kulay puti na ang laki laki sakin hanggang hita ko.
Pinag samantalahan kaya ako ni James kagabi? Pero wala naman akong naramdaman.
*Tok tok tok.
Medyo nagulat pa ako.
"Oh bakit?" Sigaw ko.
"Buksan mo! Bibigay ko lang 'yung damit mo" sigaw niya din pabalik.
Binuksan ko pero konti lang yung awang at ulo ko lang yung nakalabas. Bali yung katawan ko eh nakatago sa likod ng pinto.
"Pina-laundry ko na 'yang uniform mo at damit mo" sabi niya. Kinuha ko at agad na sinarado ang pinto.
*James Point of View.
Akalain niyong pag bibintangan ako ni Era na ni-rape ko siya? Napaka-feelingera talaga. Sumakit kaya 'yung likod ko kasi sa sofa ako natulog. Ang sarap pa ng tulog sa kama ko.
Hindi naman ako 'yung nag palit sakaniya ng damit eh. Si Ate Glaiza 'yung nagpalit sakaniya. Pinsan ko, pinuntahan ko pa siya sa condo niya kagabi para lang palitan ng damit si Era. Eh si Ate Glaiza, kararating lang dito sa Pinas kaya wala pa siyang masyadong gamit. Kaya naman 'yung damit ko na lang ang pinasuot ko.
Nakatulog kasi siya sa byahe habang pauwi kami kagabi. Hindi naman niya sinabi 'yung address ng condo niya kaya naisipan kong sa condo ko na lang siya dalhin. Sa tingin niyo ba pagsasamantalahan ko siya? Tsk tsk!

BINABASA MO ANG
Era Feelingera
Teen FictionOriginal Story by: athenaxcarpio All Rights Reserved. 2014 Era Feelingera Makaka-kuha kayo ng Tips and Advice dito. READ IT GUYS! HOPE YOU ENJOY READING IT :)