Kasalukuyan kami ay nasa kotse ngayon ni Sara. Siya ang nag da-drive.
Napag kasunduan kasi namin na magpaganda PA. Yes! Alam naming maganda kami kaya magpapaganda pa lalo kami.
At syempre, KKB kami ngayon. KAKANYA KANYANG BAYARAN.
Sa mall na kami pumunta para hindi na kami mahirapan pang humanap ng salon. Sinalubong kami ng receptionist.
"Ibigay mo samin ang pinakamagaling na empleyado niyo" sabi ko sa babaeng receptionist.
Agad naman siyang tumango at sumagot ng, "Yes mam, follow me"
Pero imbis na sumunod kami sakaniya ay nauna akong naglakad. Naramdaman ko naman na naglakad na din sila Mandy.
Take note: Ang magaganda dapat ay hindi lang tagasunod. Dapat sila ang sinusunod.
Alam kong ang rude tignan. Pero sorry. Maganda ako eh. And I'm proud of it.
Prenteng naupo ako sa harap ng isang malaking salamin.
Ganun din naman sila at umupo na din.
Sinabi ko na sakaniya 'yung gusto kong gawin sa buhok ko. Secret lang muna!
Agad naman siyang kumuha ng gagamitin niya at pagtapos sinimulan na niyang gawin ang trabaho niya.
--
Hindi ako makapaniwalang tinignan ang sarili ko sa salamin.
Wow! May maganda. Ay ako pala! Ang ganda ko talaga. Bagay na bagay sa'kin ang bago kong ayos. Mas lalo pa akong gumanda.
Tulad ng ayos ko ay ganun din sakanila. Sa'kin ay pink. Kay Cindy naman ay kulay yellow, kay Mandy ay green at kay Sara ay blue. Parepareho kami ng ayos ang kaso nga lang ay mag kakaiba kami ng kulay.
Bumagay ang buhok ko sa itsura ko dahil maputi ako. Tama ang choice ko na pink ang pinakulay ko dahil lalo akong gumanda.
Nagbayad na kami sa counter at umalis na.
Pinagtitinginan kami dahil sa ganda namin. Taas noo kaming nag lalakad papunta sa sosyaling restaurant. Sa ngayon ay hindi kami KKB dahil libre ni Sara. Haler. Bumabawi daw siya eh.
Pagtapos namin kumain, pumunta kami sa Perfect click para mag pa-picture. Para may remembrance kami.
Required sa school namin ang may kulay na buhok. Syempre, magpapakulay ba kami kung bawal sa school? Common sense please! Nakakabawas points yan ng kagandahan.
Naka-ilang shots na kami. Kanya kanyang poise. Aba! Mukha nga kaming star model sa ganda namin. Dinaig pa namin sila Marian Rivera, Ann Curtis, Ellen Adarna, at si Sam Pinto! At kung sino sino pang magagandang celebrity. Mas maganda kami don 'no!
Naka 12 shots kami, pagtapos ng photoshoot namin ay binayaran kaagad ni Sara. Oo si Sara uli. Siya daw ang nagyaya kaya siya din daw ang mag babayad!
*Riingg riingg riingg.
Kinapa ko kaagad sa bag ko 'yung maganda kong phone.
Mama Ley Calling..
Agad ko namang sinagot ng makita ko kung sino ang tumatawag.
"Hi ma" bati ko.
"Naka pili ka na ba ng gown mo?" Sagot niya at hindi man lang pinansin ang maganda kong pagbati.
Napakunot naman ang noo ko. "Para saan po?"
"Para sa debut mo! Naku naman Era, don't tell me hindi ka pa nakakapili? Hay nako, next week na ang birthday mo. Kumilos ka na ngayon pa lang. Nakahanda na kung saang venue ka! Hala kang bata ka! Ayaw mo bang mag pa-party?"
BINABASA MO ANG
Era Feelingera
Fiksi RemajaOriginal Story by: athenaxcarpio All Rights Reserved. 2014 Era Feelingera Makaka-kuha kayo ng Tips and Advice dito. READ IT GUYS! HOPE YOU ENJOY READING IT :)