FEELINGERA -6-

33 5 0
                                    

At dahil hindi ako nakapag UD kahapon dahil nawalan ng connection, DALAWA ang UD ko ngayon. Ganon ako kabait. Hahaha. Feelingera overload!

-

Biglang sumama pakiramdam ko, tumaas pa lagnat ko. Kanina naman wala na akong lagnat. Ang sakit pa ng ulo ko.

Hays. Hindi na talaga ako maliligo sa ulan. Forever! Pero wala palang forever.

Kumuha ako ng isang unan at kumot sa kwarto ko at nahiga sa couch. Para malibang ako eh inopen ko muna 'yung TV. Spongebob pa 'yung palabas.

Ayoko talagang um-absent eh. Baka mahuli ako sa lessons at sayang attendance! Sayang naman ang beauty ko.

Anyway, speaking of beauty. Ito may sakit. Part lang talaga 'to ng pagiging maganda. Hindi naman tatagal lagnat ko eh.

At dahil nga sobrang sakit talaga ng ulo ko, itutulog ko na lang 'to. Konting kembot lang naman 'to at gagaling na ako.

*James Point of View.

Medyo nainis ako kanina, bakit ba lagi na lang niya akong sinasabihan na stalker niya ako? Sa gwapo kong ito? Stalker lang? Tatlong letra, ASA!

Anyway, kanina pa ako text ng text kay Era. Ano na kayang nangyari dun? Kahit naman 'ganon yun may concern parin ako sakaniya. Kaibigan ko parin naman siya. Hindi naman niya sinasagot mga text ko. Pati tawag ko. Nag aalala na ako. Syempre! Marunong din ako mag alala.

Tinawagan ko uli siya.. Potek! Yung babae na naman nagsasalita! Unattended daw! Asar ha. Naiinis na talaga ako. Nag aalala din.

Lumabas ako ng condo at pinindot ang buzzer at kumatok sa room ni Era.

*Bzzzzzzzzzt, Tok tok tok.

"Era" sabi ko at kumatok uli.

*Tok tok tok.

Pero sumakit na kamay ko eh wala paring nag bubukas. Anyare sa 'yo Era?

Sinubukan ko siyang tawagan. Pero 'yun parin. Ring lang ng ring. Kumatok parin ako pero sumakit lang kamao ko.

Hays! Baka kung ano nang mangyare kay Era, pano kung nadulas siya sa banyo? Eh!

Sumakay ako ng elevator pababasa lobby.

Tinawagan ko si Tito Ron, singot niya din naman agad.

"Oh gwapo kong pamangkin?" Bungad niya sakin.

Sagot ko. "Nasa office ka, tito?"

"Yep, may kaylangan ka?" Sabi niya.

"Yeah, pupunta na lang ako" sabi ko at in-end ko na 'yung call.

Pumunta na ako. Hindi naman kami ang mayari nito. Dito lang nag tatrabaho si Tito.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Hey" bati ko pag pasok ko.

Nag fist to fist naman kami.

"Napunta ka dito?" Tanong niya.

"Uhh, may sasabihin lang ako" sabi ko.

"Go on" sabi niya.

"Yung friend ko. Sa tapat ng condo ko.. Gusto ko sana siyang puntahan" sabi ko.

"Oh ba't di mo puntahan?" Sabi naman niya.

"Yun na nga po eh. Naka-lock at hindi niya ako pinag bubuksanan. May sakit kasi siya. Baka kung ano nang nangyare dun" sabi ko.

"Yun lang ba talaga?" Sabi niya na ng may halong pangaasar.

"Opo dito, gusto ko sana siyang puntahan, kung gusto niyo po sumama kayo" sabi ko pa. Para malaman niya na malinis ang intensyon ko.

Era FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon