FEELINGERA -8-

29 3 0
                                        

"Bye guys" paalam ni Sara saamin.

Nag paalam na kami sa isa't isa at gumora na pauwi. Si Sara eh sa monday na siya papasok. Mabuti nga at makakapasok agad siya.

Syempre ito ako ngayon. Lakad pauwi. Ganon talaga eh. Pag maganda hindi maarte.

Masaya akong uuwi ngayon. Kasi natutuwa talaga ako na nandito na si Sara. Hindi lang talaga ako makapaniwala.

Pa-ngiti ngiti akong nag lalakad. Eh? Para akong baliw. --Magandang baliw. Ako ang pinaka magandang baliw.

Nung nasa kanto na ako eh nakita ko 'yung kotse ni James na nakahinto sa isang Bakery Shop. Nakita ko naman siyang bumibili.

Nang nakita niya ako eh bigla siyang ngumiti. Anyareh?

Sinenyasan niya akong lumapit kaya tumawid ako.

Narinig ko ang malakas na busina galing sa papalapit na truck. At naramdaman ko na lang ang napaka lakas na impact ko sa kalye. I found myself na nakahandusay sa kalsada at pinag kakaguluhan na ng maraming tao. Duguan, kawawa, nasagasaan, na-accidente. Walang kaawa awang unti unting mawawalan ng malay.....

-

Napabalik ako sa realidad ng sinisigaw ni James ang pangalan ko sa kabilang kalsada.

"ERA, ERA!" Sigaw niya.

Napapikit ako at napailing ng mabilis. Napa atras ako sa kinatatayuan ko. Tatawid ba ako? Natakot tuloy ako. Hala!

Buti na lang talaga guni-guni ko lang 'yun. Sana hindi mag katotoo.

"ERA, ERA!" Sigaw pa ni James.

Napailing lang ako.

"Hindi ako makatawid" sabi ko.

Napakamot naman siya ng ulo at tumawid papunta sakin.

"Anong nangyari sa 'yo bakit 'di ka tumawid?" Takang tanong niya sakin.

"A-ah, wala natatakot lang ako" sabi ko.

"Ts. Tatawid lang ang laki laki mo na. Tara na nga" sabi niya at hinila niya ako.

"Natatakot nga ako, huy" pigil ko. Pero nakahawak lang siya sa braso ko. Mahigpit.

"Wag kang matakot. Hihinto din 'yan." Kampanteng sabi niya.

Naglakad na kami. Naramdaman ko na lang 'yung kamay niya na hinawakan ang kamay ko. Hindi naman ako umangal dahil wala namang malisya.

Then finally, nakatawid na kami at sumakay na sa kotse niya.

"Marunong ka namang tumawid ah?" Sabi niya.

"May naisip lang ako kaya natakot ako" pag amin ko.

"Bakit? Iniisip mo na mawawala ako sa 'yo?" Sabi niya.

Halos masuka-suka naman ako sa sinabi niya. "Pwede ba James. Mag tigil" sabi ko.

"Oh baka naman naisip mo ang ka-gwapuhan ko?" Hirit pa niya.

This time, natawa naman ako. Sobrang lakas. "Naks! Bumabanat ng 'ganon? Gwapo ka pala? Haha, ngayon ko lang nalaman na gwapo ka pala" nang aasar na sabi ko.

"So inaamin mo na gwapo talaga ako?" Sabi niya.

Mabilis akong sumagot. "Oo" pero agad kong binawi, "Kaso ang pangit mo"

"Tch!" Yan na lang ang nasabi niya. "Ikaw naman, dumating lang si Sara, hindi mo na ako pinapansin" parang nagtatampong sabi niya.

"Huh?" Sabi ko. Dagdag ko pa, "Anong drama mo?"

Era FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon