Kim Hyun Joong as James. See picture at the side >>
----------
"MAG DE-DATE LANG!! IBABALIK KO SIYA SAYO!!" Sigaw pabalik ni James.
Grabe naman 'tong dalawa. Masisiraan ako ng eardrums eh. Wagas pa 'tong makahila.
"James naman, dahan dahan naman. Mabali braso ko eh" sabi ko at tinanggal ko sa pagkakahawak yung kamay niya sa braso ko.
"Tignan mo, namumula na" reklamo ko. Buti na lang hindi mahapdi. Namula lang dahil sa pagkahigpit na hawak niya.
"Sorry na" sabi niya at inakbayan ako.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Samahan mo akong kumain." Sabi niya.
Tinanggal ko 'yung braso niya na nasa balikat ko.
"Ah 'ganon? Bakit? Susubuan ba kita?" Nag cross-arms pa ako at tinaasan ko siya ng kilay.
"Masama? At tyaka na-miss lang kita. Tara na" hinila hila niya uli ako. Pero this time, hindi ako nag papahila.
"Huy, tara na. Ang arte mo" reklamo niya.
"May klase pa ako. 3 minutes na lang ang break ko kaya tantanan mo na ako" sabi ko at tinanggal ko naman yung kamay niyang nakahawak sa braso ko. "At tyaka ayokong mag cut" pagdadahilan ko.
"Unang araw pa lang naman eh" sabi pa niya.
"Eh ano naman? Iba na lang yayain mo. Yung mga ka-flirt mo diyan. Sige" tinalikuran ko na siya.
"Kaya hindi ka gumaganda eh" sabi niya. Napaharap namam ako sakaniya at tinaasan siya ng kilay.
Tumingin siya sa wrist watch niya. "Meron ka pang isang oras at tatlong pung minutong break, Oh? So, wala kang dahilan para tumanggi sakin"
Napangisi ako. "Stalker na pala kita ngayon?" Sabi ko.
"Hmm. Siguro. Inalam ko lang schedule mo para anytime pwede kitang yayain mag date" sabi niya. Lumapit naman siya sakin. "Wag ka ngang feelingera. Di bagay sa'yo. Psh! Tara na, tumatakbo oras."
"Edi habulin mo" sarcastic na sabi ko. Panira kasi!
Nakarating din kami kaagad sa kakainan namin. Wala namang traffic.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.
Dinala niya ako dito sa Italian Restaurant na 'to. Pang sosyalin ang dating.
"Wala. Tapos na akong kumain" walang ganang sabi ko.
"Ewan ko sa'yo. Sige maupo ka na diyan" sabi niya at naupo na sa harap ko.
"Wow, thank you James napaka gentle dog mo" sabi ko, sarcastic pa rin.
"Your welcome" sabi niya. Inirapan ko lang siya. Nakakainis.
After 5 minutes dumating narin 'yung in-order ni James.
"Ang dami naman yata?" Takang tanong ko.
"Kumain ka na lang" sabi niya.
Edi sige. Tutal gutom talaga ako dahil isang slice lang ang nakain ko.
Kain..
***
"Thank you" nakangiting sabi ko sakaniya.
"Basta ikaw. Malakas ka sakin eh." Sabi niya. "Akala ko talaga hindi natin 'to mauubos. Ang takaw mo." Sabi niya
"Bakit? May problema? Tara na nga! Ma-late na ako" sabi ko.
Nagbayad na kami, este-siya. Nauna na ako pumunta sa kotse niya. Grabe lang! Feeling ko talaga tatawagin ako ni mother earth ngayon. Sana wag, may klase pa ako!
BINABASA MO ANG
Era Feelingera
Teen FictionOriginal Story by: athenaxcarpio All Rights Reserved. 2014 Era Feelingera Makaka-kuha kayo ng Tips and Advice dito. READ IT GUYS! HOPE YOU ENJOY READING IT :)