Uwian na, uuwi na ba ako? Masyado pa kasing maaga. Wala naman akong gagawin sa condo ko. Yep! Minsan lang ako umuuwi sa bahay namin kapag walang pasok, weekdays, holidays, occassion, at sembreak lang. Malayo kasi ang school ko sa bahay namin. Kaya naman naisip ng parents ko na mag condo na daw ako para makatipid. At masanay na ako dahil DAW matanda na ako. Hello! Bata pa kaya ako! SevenTEEN palang. So it means TEEN pa palang ako.
"Naka-buntot ka na naman sakin, Cindy?" Sabi ko.
"Sama ako sa 'yo" sagot niya.
"Ayoko" mabilis na sabi ko.
"Sauce. Ayaw mo lang na maistorbo ko kayo ni James eh" sabi niya.
Bigla akong nakaramdam ng pagkulo ng dugo. "Err. Ang pangit pangit 'non at ubod ng yabang. Akala mo kung sinong gwapings"
"Wow. Taray naman ng bangs mo, kapal ng kilay mo girl ha? Gwapo kaya ni James" sabi niya.
"Err. San banda? Sa talampakan? Pinagtatanggol mo na siya ngayon?" Sunod sunod na sabi ko.
"Nope. Nagsasabi lang ako ng totoo." Prenteng sabi niya.
"Hoy. Babaeng kulot ang buhok. Ever since grade 3 kaibigan ko na 'yan si James. Kilala ko 'yon. Kahit pag hilik at pag tulog 'non." Sabi ko ng naiinis. "Meron pa pala, kahit pag tulo ng laway 'non.. Pero ewan ko lang ngayon kung nag improve na siya ngayon kung tulo laway parin siya" saglit napa isip ako at may na-realize ako "Ewwww" sabay namin sabi ni Cindy.
"Ang baho ng pinag uusapan natin. Hahahahaha mga lima" sabi ko.
Napatigil kami sa pagtawa ng may nagsalita sa likod namin.
"So, ako pala lagi topic niyo?"
Napatigil kami sa paglalakad ni Cindy at nag katinginan kami. Sabay tingin sa likod.
Si James, nakangisi lang.
"Hi....James" mabagal na sabi ni Cindy.
Inirapan ko lang siya at tumalikod na uli.
"Tara na Cindy. Sasama ka sakin di'ba? Tara na baka abutan pa tayo ng dilim" sabi ko. Maalis lang dito. Nakakainis kasi 'yung pag mumukha niya. Mukhang tuko na ewan na amoy ipis na ewan na ang amp!!
"Eh diba ayaw mo?" Nag tatakang tanong niya sakin.
"Huh? May sinabi ba ako?" Kunwaring nag isip ako. "Ay ewan. Sasama ka ba o sasama?" Sabi ko.
"Ang hirap naman pumili sa tanong mo, tara na" hinawakan niya ako sa braso at naglakad na uli kami, kunwari hindi namin napansin si James.
Lakad.
Lakad.
"Hey Era, Cindy" tawag niya samin.
Hindi namin siya nililingon. Aba! Malay ba namin na kami ang tinatawag niya! Ang dami kayang Era at Cindy sa mundo! Wait! But there's more! AKO LANG ANG NAG IISANG 'ERA' NAG IISANG, MAGANDA, MATALINO AT WHATSOEVER. AKO LANG AT AKO LANG!!
Lakad..
Lakad..
"Hey, beautiful!" Tawag niya.
"Bakit?" Mabilis pa sa alas dose na tumalikod si Cindy at hinarap si James.
Parang trono ko yata 'yon ah!
"Hindi ikaw, si Era" sabi niya sa mukha ni Cindy.
Nilagpasan lang niya si Cindy at lumapit sakin.
"Kaylangan talaga, sabihing beautiful para humarap at tumigil?" Napahinto siya saglit. "Maganda ka lang kapag nakatalikod" sabi pa niya.
Parang yung dugo ko eh napunta lahat sa ulo ko. Pinakalma ko sarili ko, "Buti nga 'yung likod ko eh may ganda, eh yang mukha mo?" Kalmado kong sabi.
"Alam mo, wag mo na nga akong lalapitan kung aasarin mo lang ako. AKO ang BIDA sa istoryang ito. At hindi ako papayag na lalait-laitin at kakawawain lang ako sa sarili KONG istorya. Tigilan mo na ako" may diin talaga sa bawat pag salita ko. Dagdag ko pa "At kung ikaw lang naman pala 'yung leading man ko dito, aba! Wag nalang. Mabuti pang si Cindy na lang ang bida" sabi ko at nag walk out na. Actually, mali ang term na walk out. Sabihin na lang nating tapos na ang role ko don.
Nagpunta muna ako sa CR. Good thing at walang tao.
Humarap ako sa salamin. "Bakit ba ang pangit ko?" Wala sa sariling sabi ko.
Napailing ako. No! Hindi ako pangit. Ang ganda ko kaya? Diba? Ang ganda, dulas, mahaba ang buhok ko. Wala naman akong pimples. May dimple ako. Ano pa ba? Matangkad, natural beauty, simple, singkit..
Hindi ako pangit. Wala namang taong pangit diba?
Si James Moral.. Ngayon lang talaga ako nainis ng sobra sakaniya. I mean, diba? Matagal na kaming magkakilala. Matagal na kaming mag kaibigan. Matagal na kaming magkasama. Pareho kami ng mga kalokohan, lagi kaming nag aasaran. Walang pikunan. Siya lagi ang kalaro ko non nung mga bata pa kami. Paktners in crime kami dati. Anyare ngayon? Alam ko natural na ang asaran namin. Pero bakit ngayon nag iba na? Parang nakakasakit na siya masyado. Hindi na maganda 'yung mga sinasabi niya. Alam ko naman sa sarili ko na, inaaway at inaasar ko din siya. Napaisip ako, nasasaktan ko din ba siya? Psh! Malabo. Napaka lakas ng self confidence nung taong 'yun. Saksakan at ubod.
Basta! Ako ang bida sa istoryang ito! Ako at ako lang. Walang iba! Period no erase, locked! Lunok susi. Walang ibang mang aagaw sa trono ko. Hindi ko hahayaang masapawan ako. At bahala na si batman kung sino ang soulmate, partner, prince charming ko dito.
Kung ano-ano na lang ang naiisp ko. Hays!
Inirapan ko sarili ko sa salamin. Sabay sabing "Ang ganda ko talaga" at umalis na ako...

BINABASA MO ANG
Era Feelingera
Teen FictionOriginal Story by: athenaxcarpio All Rights Reserved. 2014 Era Feelingera Makaka-kuha kayo ng Tips and Advice dito. READ IT GUYS! HOPE YOU ENJOY READING IT :)