FEELINGERA -10-

18 1 4
                                    

Since mamaya pa ang klase ko, dumiretso muna ako sa mall para bumili sa National Book Store.

Hindi ko na inaya sila Sara. Guguluhin pa ako 'nung mga 'yon. At tyaka hindi naman ako mag tatagal. May kaylangan lang akong bilhin.

Mga binili ko lang eh mga Stationary, Pens, Yellow pad at kung ano ano pa.

Nag punta ako sa mga bilihan ng libro.

Aba! Ang dami na namang bago? Hindi na ako updated!

May nakita akong isang agaw pansin na libro. Sa pag kakaalam ko eh Mystery o thriller ang kwento. Kukunin ko na sana kaso may kamay na lumanding.

Sinundan ko ng tingin kung sino ang mayari ng kamay na 'to.

"J-jake?" Gulat na sabi ko. At the same time, napanganga sa gulat.

"E-era?" Gulat din na sabi niya. "We meet again" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Hi" sabi ko at malapad na ngumiti sakaniya.

"So, mahilig ka pala sa libro?" Tanong niya.

Binitawan ko bigla 'yung libro na pareho naming hawak. "Ay"

Agad naman akong tumango. "Past time lang, pag walang magawa at pampatulog"

"Uh, papasok ka na ba?" Sabi niya.

"Syempre naman. Naka uniform ako di--" Hindi ko na natapos dahil napatingin ako sa ID Lace na suot niya at sa Uniform na suot niya.

"Ah--uhm?" Tinuro ko 'yung uniform niya.

"Yep. It's weird, ang liit nga naman ng mundo" sabi niya.

Edi ibig sabihin?

"Are we in same school?!" Hindi makapaniwalang tanong.

"Unfortunately, yes" sabi niya.

"It's nice" sabi ko at ngumiti.

"Oh, bibilin mo ba ito?" Sabay turo niya sa libro.

"Sana. Kaso naunahan mo ako eh" nanghihinayang na sabi ko.

"It's okay, meron pa namang copy" sabi niya at may kinuha sa likod ng libro na kaparehas ng libro. Magulo ba?

"Tara na sa counter. Libre ko na" sabi niya.

"Eh wag na, ako na magbabayad. Kakahiya naman eh" sabi ko sakaniya.

Kapag si James ang nanlilibre sakin go ako. Pero kapag si Jake? Psh! Uso mahiya.

"Okay lang. Para maging close tayo" sabi niya at binigay na sa cashier 'yung mga pinamili.

"Hmm. Sige, kung yan ang gusto mo" sabi ko.

Tatanggi pa ba ako?

"Ano nga palang course mo?" Di ko mapigilang itanong.

"Architect" sabi niya.

Tumango na lang ako at ngumiti sakaniya.

"Gusto mo i-drawing kita?" Tanong niya kaya napatingin ako bigla sakaniya.

"Ako?" Di makapaniwalang sabi ko at tinuro ko sarili ko. "Kaya mo?"

"Yup, kahit anong anggulo pa gusto mo" sabi niya.

"Talaga? Haha, sige" tila na e-excite na sabi ko.

Pumunta na kami sa parking lot.

Ang pagkakaiba ni James at ni Jake eh, si Jake ay gentleman, at si James naman sobrang gentle dog. Si Jake ay gwapo at mabait pa. Si James ay feeling gwapo. Hindi ko lang alam kung pano sila naging mag kaibigan dahil hindi naman sila pareho ng ugali. Mundo nga naman.

Era FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon