FEELINGERA -7-

31 4 2
                                    

Kakalabas ko lang ng building. At syempre, alay lakad uli ang beauty ko ngayon. Hanggang sa sakayan ng jeep lang naman lalakarin ko.

Magaling na ako. The beautiful is back! The one and only...ERA.

Back to normal na naman ako. Normal na talaga ang ganda ko.

Taas noo akong naglalakad. 'Ganon talaga pag maganda.

*Beep beep.

"Ay kabayong butiki" sigaw ko sa gulat.

Sino 'yang kutong lupang bastos na binusinahan ako? Naka tabi naman ako ah! Wala naman ako sa gitna ng kalsada.

"Hoy ikaw, kabayong butiking kutong lupa ka! Bulag ka ba ha? Hindi mo ba alam na nasa tabi na nga ako ah?! Maka-busina ka ha. Akala mo napaka ganda ng kotse mo" sigaw ko.

Binaba niya 'yung tinted na bintana ng kotse niya.

"Sorry" sabi niya at tinanggal niya bigla shades niya.

"Grabe James, ikaw pala yan? Taas naman ng araw sa loob ng kotse mo" sarcastic na sabi ko.

"Gulat ka na naman sa ka-pogian ko?" Pagbibiro niya sa sarili niya.

"Hahaha" nag kunwari ako ng tawa. "Galing mo din mag joke eh 'no? Pang Yahoo award. Best comedian of the year" sabi ko.

"Ewan ko sa 'yo! Sumakay ka na nga" sabi niya.

Tatanggi pa ba ako? "Okay" sabi ko.

--

School..

"James, bakit pinagtitinginan nila ako? Sobra na ba akong maganda para kainggitan nila?" Tanong ko kay James.

"Hala. Naku naman Era, may kasama ka kasing gwapo kaya ka nila pinag titinginan. Naiinggit sila dahil kasama mo ako. Ikaw ba naman kasabay ko sa kotse ko eh. Tingin mo hindi sila magtataka? Swerte mo kaya" sabi niya.

Bigla namang humangin ng malakas. "So swerte na pala ako? Pwes hindi. Ikaw ba naman may kasamang sobrang hangin, Oh James, sangayon ang panahon, ang hangin mo" sabi ko.

"Sus. Kinikilig ka naman" sabi niya.

"Kinilig? Sa 'yo? Tatlong letra ASA" sabi ko pa.

"Feeling mo naman mag kakagusto ako sa 'yo?" Sabi niya.

"At feeling mo gusto kita?" Pagbabalik ko ng tanong.

"Oo. Ikaw pa!" Sabi niya at inakbayan ako.

"Mukha mo James. Baka ikaw nga ang may gusto sakin. Dikit ka ng dikit eh" sabi ko naman.

"Mukha ko? Gwapo. Mababaliw muna ako bago ako magkagusto sa 'yo" sabi niya.

"Hmp! Tantanan mo na ako. Papasok na ako sa klase ko" sabi ko at tinanggal yung braso niya na nasa balikat ko.

"Baka nakakalimutan mo, magkaklase na tayo sa lahat ng subject" sabi niya.

"Ewan ko sa 'yo! Stalker!!" Inis na sabi ko at naglakad na paalis.

--

Break time..

"Ano nga pa lang nangyare sa 'yo Era?" Tanong ni Cindy habang kumakain kami dito sa cafeteria.

"Nilagnat lang ako kahapon" sabi ko.

"Eh bakit absent din si James kahapon?" Tanong naman ni Mandy. "Ikaw ha! May tinatago ka samin ah" dagdag pa niya.

"H-hindi ko alam sakaniya. Sabi niya a-alagaan niya daw ako" sabi ko na lang.

"So 'ganon ganon na lang 'yon? Baka may something na sainyo?" Sabi naman ni Cindy.

Era FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon