FEELINGERA -12-

5 1 0
                                        

Isang bwisit na araw ang meron ako ngayon. Naiinis ako sa lahat at naiinis ako sa mundo. Pati si Cindy ay lagi kong sinusungitan at masyado ko siyang pinapatulan. Si Sara naman hindi ko pinapansin. At isa pa tong nakakabwisit na lalaki na kinukulit ako.

"Pwede ba James. Lubayan mo muna ako at nasusuka ako sa pangit mong pagmumukha, Pag ako di nakapag timpi sayo papatulan kita"

Ngumiti lang siya nang nakakaloko at ako naman ay isang nakamamatay na tingin ang binigay ko sakaniya.

"Hoy Erica, ano bang nakain mo?" Tanong ni Sara na nasa tabi ko.

Nandito kami sa cafeteria. Natapos na ang Morning classes namin. At kanina pa talaga ako badtrip na badtrip.

"Baka may buwanang dalaw"

Muntik na ako masamid sa sinabi ni James..bakit niya alam? Tsk.

"Hindi ko kaylangan nang opinyon mo James. Pwede bang wag kang feeling close at lumayas ka na dito. Doon ka sa mga barkada mong mga payatot!"

Wala naman siyang nagawa kaya lumipat na siya nang table kasama ang mga barkada niya. Sukang suka talaga ako sa pagmumukha ni James ngayon. Daig ko pa ang naglilihi.

"Lam mo girl. Ang hirap pala pag may red tide ka. Ay grabe. Masyado kang pa-obvious na meron ka ngayon. Ay sige ka!"

Napa rolled eyes ako. "Kung wala kang matinong sasabihin diyan Cindy, pwede manahimik ka na lang? Baka gusto mong itapon kita sa bermuda triangle at ipakain kita sa mga pating. Dami mong satsat"

Nagpatuloy akong kumain nang Cheese burger nang magsalita uli si Cindy.

"Siguro kung hindi tayo magkaibigan nasabunutan na kita. Pero dahil bestfriends forever tayo eh, love kita. Kaya naiintindihan ko pinagdadaanan mo. Babae din kasi ako"

****

Maaga natapos klase ko at alas tres pa lang nang hapon. At dahil maaga pa eh pupunta muna ako sa bahay.

Pag labas ko nang school ay nakita ko na naman ang lalaking hindi ko gustong makita.

"Sabay na tayo umuwi, Era"

"Hindi pa ako uuwi. Pupunta pa ako sa bahay" Wala sa mood na sabi ko. Pero mahinahon na.

"Sama ako. Para makita ko si Rae."

At dahil ayoko nang mabwisit ay hinayaan ko na lang sumama sakin si James. At isa pa, yung ipamamasahe ko papunta kala mama eh ipambibili ko na lang nang chips.

Sa byahe..

"Mabuti naman at hindi ka na masungit" Basag ni James sa katahimikan.

"Bakit? Gusto mo bang masungit ako?"

"Hindi naman. Sanay lang ako sa Era na araw araw may red days"

Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang ako.. Kaya pala hindi na ako pinapatulan ni James dahil sanay na siya sa ritwal namin tuwing magkasama kami. Pero mas gusto ko parin 'yung dating James ah! Yung mayabang at mapagpatol. Ayoko 'yung masyado siyang sweet. Kinikilabutan ako. Parang gusto ko siyang pagawan nang rebulto pag ganon' eh.

Nauna na akong bumaba nang sasakyan niya dahil mag papark pa siya. Hayaan niyo yan si James. Feel at home naman 'yan dito sa bahay. Kapal kaya nang mukha niyan.

Pagpasok ko nang bahay ay nakita kong natutulog sa sofa ang tabachoy kong kapatid. Si Kuya Rae naman ay as usual! Nag pipindot pindot sa tablet niya.

"Oh Kuya. Si Mama?"

"Nandiyan ata sa garden. Hanapin mo na lang"

At dahil ayoko na siyang istobihin ay ako na lang naghanap. Baka ma-attack ako ni Kuya pag inistorbo ko siya eh.

Nakita ko naman si Mama na nag aayos sa kusina. Si Papa naman ay nasa trabaho ngayon.

"Ma!"

"Oh Erica. Mabuti at naisipan mong dumalaw"

"Dun tayo sa sala ma. May sasabihin po ako." Sabi ko.

Sa sala...

"Rae, attack na tayo!" Bungad ni James pagpasok niya.

"Gusto mo ikaw ang attack-in ko? Natutulog 'yung bata, ang ingay ingay mo!" Inis na sabi ko sakaniya.

"Hehe" Nangamot pa sa ulo. Siguro may kuto. "Rae, ano nga pala password ng wifi niyo? Titignan ko lang baka may nang attack na sakin."

"Kiss mo muna ako"

Natawa naman si James sa sinabi ni Kuya. Bugok talaga si James eh.

"Rae. Alam kong gwapo ako kaya wag mo akong pagsamantalahan."

Binatukan naman ni Kuya si James. Pero mahina lang.

"Shunga. Yun 'yung password! Kapal mo James eh mas gwapo nga ako sa 'yo."

Natawa na lang si James sa katangahan niya.

"Era, ano nga pala 'yung sasabihin mo?"

"Ay! Nandiyan ka pala tita. Hello po"

Mabuti naman at nagsalita si Mama dahil muntik ko nang malimutan na nandito nga pala siya.

"Ay oo nga pala, ma. Balak ko po kasing mag dorm na lang. Para po makamura tayo. Para hindi na ako nag ta-taxi pag pumapasok ako."

"Akala ko ba ayaw mo mag dorm, anak?"

"Opo ma. Kasi ayoko nang may kasamang ibang tao. Pero ire-request ko na lang po na si Sara ang kasama ko."

Ngumiti na lang si Mama. "Okay sige."

Ngumiti lang din ako. Mabuti naman at pumayag si mama sa gusto ko. Atleast makakabawas ako sa gastos.

Si James naman biglang umepal. "Pano na ako, Era? Iiwan mo ako sa condo?"

"Bakit? Responsibilidad ba kita? Edi mag dorm ka din. Tutal stalker naman kita eh."

"Fine. Mag do-dorm din ako. Di mo man lang ako sinabihan na lilipat ka. Sana nakapag prepare man lang din ako. Di kasi kita makakasama dun eh. Mag-dorm na din ako para makakasama kita.."

Era FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon