By P.O.V po yung chapters sa prologue lang hindi.
---------------------------—--------------------------
Takbo..
Takbo..
Takbo..
Walang tigil sa pagtakbo ang matanda buhat buhat ang kanyang tulog na apo na noo'y 5 taong gulang pa lamang.
Hindi na nagawang pansinin ng matanda ang pagod at mga sakit nitong nararamdaman. Ang mahalaga dito ay ang makalayo sya sa mga lapastangang nilalang na gustong pumatay sa kanila.
Kabilang sila sa tribo ng mga 'Witches'
Hindi lang sila isang ordinaryong mangkukulam isa silang "pure breed witches" kung ang ibang mangkululam ay mula sa pagiging tao sila nama'y pinanganak nang mangkukulam at maykapangyarihan sa simula pa lamang.
Naiwan ang mga magulang ng bata upang kalabanin ang mga tao, ngunit sigurado ang matanda na maging sila ay patay na.
Nang makalayo, gamit ng isang gintong kahoy ikinumpas ng matanda ang kanyang kamay upang makalikha ng pinto.
Ang pinto ay agad namang sumara nung mga oras na nakapasok na sila dito. Nasa isang lugar sila na nilikha lamang ng matanda at tanging sila lamang ang maaring makapasok at makalabas dito.
Nakahinga na ng maluwag ang matanda at nagsimula nang isagawa ang healing spell
Samantala, nagising na ang bata at namangha naman ito sa lugar na tila ba paraiso kung nasaan sila.
"Apo, nanuniwala ka ba sa magic?" Tanong ng matandang babae sa kanyang apo.
"Opo lola!" sagot naman nito.
Napangiti ng bahagya ang matanda at ipinasok ang kamay sa bulsa ng mahaba nitong bistida at inilabas Ulit ang isang kulay gintong kahoy at iwinagayway..
Kasabay ng mga pag kumpas ng kamay nito isa isa ring naglitawan ang mga tasa ,takuri ,kutsarita ,platito at mga bulaklak papunta sa isang bilog na lamesa na may saping puting tela na para bang kusa nilang inayos ang sarili nila para sa isang maliit at simpleng 'tea party'.
Manghang mangha naman ang apo sa kanyang mga natunghayan, pumalakpak pa ito habang tumatalon
"Ang galing! Para sa atin po yan lola?" Tanong ng bata. Tumango lang ang matanda ng may malawak na ngiti at pinagmasdan ang apo nya na kumain ng mga nakahain na matamis.
Napatigil naman ang bata sa pagkain at tumingin sa kanyang lola "lola pwede ko din po bang gawin yun? Pwede ko din po bang paliparin yung mga tasa tulad ng ginawa nyo?"
"tandaan mo apo kung ang puso at pakiramdam ang iyong gagamitin lahat ay iyong magagawa. Kung matututunang mong gamitin ang puso at isipan ng tama mas lalakas ito at pagtitibayin ang nagmamay ari ng kapangyarihang iyon pati na rin ang nagmamay ari sa puso ng may ari ng kapangyarihan"
"Pangako po tatandaan ko yan!"
Lumipas ang limang taon mahusay na pagsasanay ng mahika ang ginawa ng matanda sa bata habang lumalaki kaya naman marami na itong nalalaman tanggap na nito ang pagkawala ng mga magulang at alam na rin nito kung anong klaseng nilalalang ba sila.
Masaya silang namuhay sa loob ng taong iyon. Ngunit hindi din ito nagtagal.
lumipas Pa ang apat na taon binawian na ng buhay ang matanda at kinailangan na ng bata na mabuhay magisa sa edad na labing apat.
Dahil sa kapangyarihang taglay nito may kakayahan syang ibigay ang mga pangangailangan nya ng walang kahirap hirap. bagamat malungkot at masakit para sa kanya ang maging mag isa lumaki ito na malakas at hindi mapagkakaila ang kagandahan nito. Subalit ni isang lalake ay walang makalapit rito.
Hindi nya ginagamit ang kanyang mahika laban sa tao, ngunit lumalaban sya ng patas gamit ang 'self defense' ng mga tao. Hindi lang sya magaling sa mahika, magaling din sya sa taekwondo kaya naman karamihan ng mga lalaki sa kanilang eskwelahan ay takot dito.
Sa Buhay na tinatakay nya ngayon matagpuan nya kaya ang nilalang na dapat magmayari ng puso nya? Ipagkakait nya kaya ang pagibig na nararapat dito? pati Kaya ang taong yun ay palayuin nya katulad ng iba? O di nya na mapagkakaila na naguhulog na rin sya rito?
YOU ARE READING
Love Bind
FantasyIsa syang pure breed witch na nagngangalang Eileithyia. sa lahat ng hirap na naranasan nya noon naging malakas sya at s paglipas ng panahon mas naging matatag pa sya Ngunit sa lahat ng damdaming dala-dala nya simula pagkabata ay mahihirapan syang ma...