PURIHIN KA NG AKING LUHA

53 1 0
                                    

Composed by: Gerwin Villa | Interpreted by: Jayson Fernandez

I

May mga bagay akong gustong sabihin 

di kayang bigkasin nais na lamang sa

luha'y isaysay

REFRAIN 1:

Sapagkat bawat patak

ng luha ko sa 'Yo'y mahalaga 

 alam kong nakikita Mo sila

CHORUS:

 Bayaang purihin Ka ng aking luha 

 sambahin Ka sa gitna ng aking dusa 

 At sa gitna man ng unos at bagyo may

pagluhang magpapasalamat ako sa'Yo

II

 May dakilang tuwa nadarama sa puso 

na di batid ng iba, ngunit sa luha ay

sasaysayin ko sa'Yo

REFRAIN 2:

Sapagkat bawat patak

ng luha ko sa 'Yo'y mahalaga 

 alam kong binibilang Mo sila

CHORUS:

Bayaang purihin Ka ng aking luha 

sambahin Ka sa gitna ng aking dusa 

 At sa gitna man ng unos at bagyo may

pagluhang magpapasalamat ako sa'Yo

BRIDGE:

Alam kong papawiin Mo

at papahirin Mo ang mga luha ko

Sa pangako Mong paraiso

ang tuwa ay nasa lahat ng dako

CHORUS:

 Bayaang purihin Ka ng aking luha

sambahin Ka sa gitna ng aking dusa

At sa gitna man ng unos at bagyo may

pagluhang magpapasalamat ako..

CHORUS:

Bayaang purihin Ka ng aking luha

sambahin Ka sa gitna ng aking dusa

At sa gitna man ng unos at bagyo may

pagluhang magpapasalamat ako sa'Yo

Magpapasalamat...

Magpakailanman...

May pagluhang magpapasalamat

Ako... sa'Yo

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now