DINGGIN MO OH DIOS

14 0 0
                                    

Composed by: Cris Bautista | Interpreted by: Reymond Sajor

Mga salang 'di mabilang Ikaw ang tumubos
Biyaya at pagliligtas iginawad Mong lubos
Dahil sa'Yong paglingap at pag-ibig na taos
Pagpapasalamat ng puso'y 'di matatapos

Nananabik ang puso na Ika'y makapisan
Kadakilaan ng Iyong pangako sana'y makamtan
Pagdating ng sandaling aking inaasam-asam
Galak ng aking puso ay 'di mapaparam

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa'Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa 'Yong kahariang langit na s'yang pangarap ko

Ang Iyong kataasang sa akin ay umaabot
Sa tuwina ay inaalala na ako'y mula sa alabok
Sa pamamagitan ng mga salita Mong subok
Daing ng aking kaluluwa'y nabigyan ng sagot

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa'Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa 'Yong kahariang langit na s'yang pangarap ko

Sapagkat Ika'y magandang loob at mapagpala
Banayad sa galit at hatol Mo'y 'di matingkala
Gumagalang sa mababa, mapagbiyaya
Karununga'y 'di malirip sa Iyong mga gawa

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa'Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa 'Yong kahariang langit na s'yang pangarap ko

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa'Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa 'Yong kahariang langit na s'yang pangarap ko

Sa langit Mong pangarap ko

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now