SALAMAT PO, AMA

13 0 0
                                    

Composed by: Dennis Roxas | Interpreted by: Jojo Alejar

Ang bahay namin ay nasunog

Salamat po Ama

Gutom dinadaan sa kwento

Salamat po Dios ko

Sa haba ng aming pag-uusap nabuo ang isang pangarap

Ngayon ay tulong-tulong upang muling bumangon

Maraming salamat po, Salamat Panginoon

Dati kasi sa bahay naming malaki parang 'di magkakakilala

Bawat isa ay busy

Mayro'n nag F-FB, may nanunuod ng movie

Walang nag-uusap parang mga pipi

Bihirang makumpleto, laging nasa mga kwarto

Magarbo naming bahay parang walang tao

Salamat po Ama, muli kami'y pamilya na

Wala kaming kapera-pera, Salamat po Ama

Kamote lang aming hapunan, Salamat po Ama

Sa banig na kapiraso, kasya pa rin kaming pito

Isa lang ang aming kumot, ngunit ginaw ay talo

Maraming salamat po, Ama salamat da Iyo

Dati kasi sa bahay naming malaki parang 'di magkakakilala

Bawat isa ay busy

Mayro'n nag F-FB, may nanunuod ng movie

Walang nag-uusap parang mga pipi

Bihirang makumpleto, laging nasa mga kwarto

Magarbo naming bahay parang walang tao

Salamat po Ama, muli kami'y pamilya na

Salamat po Ama sa pagpapaalala

Na ang pag-ibig ay walang katumbas na halaga

Hirap man kami ngayon, 'di man katulad noon

Salamat pa rin aming Panginoon

Dati kasi sa bahay naming malaki parang 'di magkakakilala

Bawat isa ay busy

Mayro'n nag F-FB, may nanunuod ng movie

Walang nag-uusap parang mga pipi

Bihirang makumpleto, laging nasa mga kwarto

Magarbo naming bahay parang walang tao

Salamat po Ama, muli kami'y pamilya na

Salamat po Ama

Salamat talaga

Salamat po Ama

Sa lahat ng biyaya ooh

Salamat po Ama

Salamat talaga

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now