PAG-IBIG AY DIOS

16 0 0
                                    

Composed by: Jaime Enriquez | Interpreted by: Renz Verano

I
Huwag kang malungkot
Sa kabiguan mo
'Di ka naman nag-iisa
Ang Dios ay naririto

II
Huwag kang mangamba
Sa suliranin mo
Tawag ka lang sa Maykapal
S'ya'y naghihintay sa'yo

PRE-CHORUS
Pag-ibig sa Dios ang s'yang sandata mo
Pag-ibig ng Dios ang s'yang kalasag mo
'Yan ang sandigan at kaagapay mo
Saan ka man naroroon

CHORUS
Pag-ibig ay Dios, Pag-ibig ay Dios
Siya ang totoong nagmamahal sa'yo
Pag-ibig sa Dios, Pag-ibig sa Dios
Ang siyang dapat na maghari sa puso mo

III
Pagmamahal
Na siya'y paglingkuran
Ang ating Dios na Maykapal
Kahit kailan pa man

IV
Isabog mong lahat
Ang mga pangaral Niya
Pati ang kabutihan
Sa ating lahat

REPEAT PRE-CHORUS

REPEAT CHORUS

CHORUS
Pag-ibig ay Dios, Pag-ibig ay Dios
Siya ang totoong nagmamahal sa'yo (Nagmamahal sa'yo)
Pag-ibig sa Dios, Pag-ibig sa Dios
Ang siyang dapat na maghari...
Sa puso mo (Ang pag-ibig ng Dios maghari sa puso mo)

Sa puso mo (Ang pag-ibig ng Dios maghari sa puso mo)
Sa puso mo...

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now