GABUNDOK MAN

7 0 0
                                    

Composed by: May Alona Trogue | Interpreted by: Brenan Espartinez

I
Hindi maiwasan ang buhay sa mundo
Na gumagapang dahil sa pagsubok
'Di maiwasang mangamba hanggang sa luha'y pumatak
Umiiyak, nanginginig, at natatakot

II
Hindi malaman ang gagawin, kaba ay nangunguna
Minsa'y nawawalan tayo bigla ng pag-asa
Ngunit ang Panginoon ay naghihintay lamang
Na Ikaw ay lilingon at tatawag

CHORUS
Gabundok man ang pagsubok sa buhay
Hindi dapat huminto sa paglalakbay
Dios ay nariyan at kailanman 'di tayo iiwan
Paglingap Niya ay wagas para sa lahat

III
Minsan ang suliranin ay katulad ng bagyo
Halos 'di mapigilan ang pagragasa nito
Subalit maghintay lang, ulan ay titila
At ang araw ay sisikat dala ay biyaya

REPEAT CHORUS except "para sa lahat"

BRIDGE
Magtiwala lang sa ating Maykapal
Hindi dapat tayo panghinaan
Bawat pangangailangan ay nakikita Niya
May Dios tayo na nariyan at tutulong
At tutulong...

REPEAT CHORUS 2X

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now