DAKILA KA AMA

17 0 0
                                    

Composed by: Ella Mae Septimo | Interpreted by: Ruth Regine Reyno

I
Napakabuti Mo, Ama
Sa tulad kong nagkasala
Patawad Mo'y nadarama
Ang 'Yong kamay sa'ki'y laging nakaalalay
Ganap na gumagabay sa'king buhay

Dakila Ka, Ika'y tapat sa'Yong salita
Hindi nagsasawa sa'ki'y lagging nakahandang umunawa
Ang pag-ibig Mo'y dalisay
Walang ibang makapapantay sa'Yong taglay
Ngayon at magpakailanman
Purihin Ka
Dakila Ka, Ama

II
'Di na ako nangangamba
At 'di na rin luluha pa
Dahil kapiling Ka, Ama
Sa puso ko ang Ngalan Mo'y nakaukit
Pasasalamat ko sa'Yo'y hanggang langit

Dakila Ka, Ika'y tapat sa'Yong salita
Hindi nagsasawa sa'ki'y lagging nakahandang umunawa
Ang pag-ibig Mo'y dalisay
Walang ibang makapapantay sa'Yong taglay
Ngayon at magpakailanman
Purihin Ka
Dakila Ka, Ama

Lahat ay gagawin
Utos Mo'y susundin
Dahil dakila Ka, aking Ama

Dakila Ka, Ika'y tapat sa'Yong salita
Hindi nagsasawa sa'ki'y lagging nakahandang umunawa
Ang pag-ibig Mo'y dalisay
Walang ibang makapapantay sa'Yong taglay
Ngayon at magpakailanman
Purihin Ka
Dakila Ka, Ama

CODA
Dakila Ka
Dakila Ka
Dakila Ka
Ama...

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now