Composed by: Wilfredo Zabala | Interpreted by: Eva Castillo
I
Pag-ibig Mong wagas ang nagbigay kulay
Sa buhay kong walang kabuluhan
Makasalanan man sa aki'y inilaan
Biyaya at mithing kaligtasan
Haing papuri't pasasalamat alay sa'YoCHORUS
Salamat sa Iyo, Amang mapagmahal
Kadakilaan Mo ay walang hanggan
Iaalay sa'Yo ang pagsambang tunay
Hanggang sa magpakailan manII
Ngayo'y nakalaan ang buhay kong hiram
Upang Ikaw ay mapaglingkuran
Danasin ma'y hirap, dusa't kasawian
Sa'Yo'y hindi nais mawalay pa
Ikaw ang buhay, ang sandigang walang hangganREPEAT CHORUS
BRIDGE
Oh Ama, 'Yong tanggapin Buhay kong alay sa'Yo
Ito nawa'y marapatin
Sa layon Mo ay gamitinREPEAT CHORUS
CODA
Iaalay sa'Yo ang pagsambang tunay Hanggang sa magpakailanman