PUSO KONG NABUKSAN

17 0 0
                                    

Composed by: Domingo Rosco | Interpreted by: Catherine Loria

I
Sa pagtila ng ulan
Lungkot ay nararamdaman
Oh kay bigat nitong damdamin

II
Isip ay naglalakbay
'Di malaman kung saan
Patutungo itong aking buhay

PRE-CHORUS 1
Ako'y nawalay kay tagal
Sa Iyo Oh Maykapal
Puso ko'y buksan
At Ikaw ay manahan

CHORUS
Kailan kaya masisilayan pagbuhos ng ulan?
Kailan makakamit pag-ibig Mong walang hanggan?
Kaya't ako'y nagsusumumamo
Dinggin Mo ang aking dasal
Dalangin na ang puso ko'y buksan

III
Kay raming kasalanan
Kay rami kong pagkukulang
Ilang ulit Ikaw ay nasaktan

IV
Ngunit laging nariyan Ka
Habag Mo ay ipinadarama
Kailanma'y 'di nilisan
Ang tulad kong dukha

PRE-CHORUS 2
Nawalay man nang kay tagal
Sa Iyo Oh Maykapal
Puso ko'y binuksan
At Ikaw ay nanahan

REPEAT CHORUS

CODA
Sa'Yo ako'y nagsusumamo
Tanggapin ang aking alay
Pasasalamat ng puso kong nabuksan

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now