SUMASAMBA SA'YO

7 0 0
                                    

Composed by: Joyner Dizon | Interpreted by: Dan Billano

I
Sa aking paglalakbay sa landas ng buhay
Nadarama ang paggabay sa bawat hakbang
Ngunit nalilihis ng kahinaan ng laman
Madalas nadadapa at laging nagkukulang

CHORUS 1
O Ama, patawad po
Sa dami ng aking nagagawang kasalanan
Laging nasasaktan ang Iyong banal na kalooban
Patuloy Ka pa ring naaawa sa tulad ko
Tunay na sakdal ang pag-ibig Mo
Ngayo'y lumuluhod, sumasamba sa'Yo

II
At tuwing lumalapit sa pananalangin
Dakila Mong pangala'y nahihiyang sambitlain
Taglay sa puso ang pangamba at panimdim
Umaasa na lamang sa awa Mo sa akin

REPEAT CHORUS 1

BRIDGE
Sana'y 'di na ako mawalay pa sa'Yo
Hawakang mahigpit itong puso

CHORUS 2
O Ama, patawad po
Sa dami ng aking nagagawang kasalanan
Laging nasasaktan ang Iyong banal na kalooban
Patuloy Ka pa ring naaawa sa tulad ko
Napakasakdal ng pag-ibig Mo
Ngayo'y lumuluhod, sumasamba sa'Yo

CODA
Sumasamba sa'Yo
Dahil sa awa Mo sa tulad ko

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now