IKAW ANG TANGI KONG MINAMAHAL

17 0 0
                                    

Composed by: Ralph Lauren Refil | Interpreted by: Gail Blanco

I
Naririto abang alipin Mo
Dumaraing sa 'Yo't nagsusumamo
Hawakan Mo nang mahigpit
Ang aking mga kamay
Nang h'wag nang mawalay pa sa 'Yong piling
Sa tulong Mo lahat makakaya
Pag-uusig na aking binabata
Ikaw ay pag-ibig

CHORUS
Ikaw, Ama, ang tangi kong minamahal
Hinding-hindi magbabago kailan pa man
Buong kagalaka'y aawit sa 'Yo
Nawa'y laging samahan Mo
Nang makarating sa bayang paraiso Mo

II
Salamat po sa mga pagliligtas
Sa bawat sandali lagi Kang naririyan
Nililinis aking kasalanan
Iyong kinahahabagan
Binibigyang-karapatan sa 'Yong bayan
Sa tulong Mo lahat makakaya
Magtitiwala lang sa 'Yong magagawa
Ikaw ay pag-ibig

CHORUS
Ikaw, Ama, ang tangi kong minamahal
Hinding-hindi magbabago kailan pa man
Buong kagalaka'y aawit sa 'Yo
Nawa'y laging samahan Mo
Nang makarating sa bayang paraiso Mo
Biyaya Mo'y sapat sa aking puso
Upang matamo pangakong paraiso

CHORUS
Ikaw, Ama, ang tangi kong minamahal
Hinding-hindi magbabago kailan pa man
Buong kagalaka'y aawit sa 'Yo
Nawa'y laging samahan Mo
Nang makarating sa bayang paraiso Mo

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now