IKAW ANG AKING DIOS

14 0 0
                                    

Composed by: Lorna Petrasanta | Interpreted by: Liezel Garcia

I
Sinag ng 'Yong araw sa'kin ay gumigising
Yakap sa paglakad, hangin Mo na kay lambing
Lupa Mo ang sumasalo kapag nadarapa
Lawak ng Iyong langit sa'kin ay pumapayapa

CHORUS 1
Ikaw ang panyo 'pag ako'y umiiyak
Ikaw ang payong t'wing ula'y pumapatak
Ilaw Ka sa aking madilim na daigdig
Ikaw ang aking Dios na sa aki'y umiibig

II
'Pag ako'y nauuhaw, tubig Mo ang panlunas
Salita Mo'y pagkaing nagbibigay lakas
Liwanag ng 'Yong buwan sa gabi ay kapiling
Bituin Mong kay ningning, bantay ko sa paghimbing

REPEAT CHORUS

BRIDGE
Kabutihan Mo'y nakikita sa'Yong mga gawa
Pag-ibig Mo ay laging nadarama
Salamat Ama

CHORUS 2
Dahil Ikaw ang aking Dios 'pag ako'y umiiyak
Ikaw ang Dios t'wing ula'y pumapatak
Ikaw ang Dios sa aking madilim na daigdig
Ikaw ang aking Dios na sa aki'y umiibig

CODA
Ikaw ang aking Dios na aking iniibig

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now