AWIT NG PUSO KO

19 0 0
                                    

Composed by: Empol Balbin | Interpreted by: Bo Cerrudo

Sa bawat araw ng aking buhay

Laging nadarama pag-ibig Mong tunay

'Di pa sinasabi ang aking hiling

Iyong binibigay, hindi ko pa iniisip

Ikaw ang aking kalakasan sa tuwing nanghihina, walang malapitan

Hindi matumbasan ang Iyong pagmamahal

Kaya pasasalamat sa Iyo'y aking inaalay

Awit ng puso ko ang alay ko Sa'yo

Upang luwalhatian ang Banal na Ngalan Mo

Pupurihin kita't pasasalamatan

Sa'yong kagandahang loob na magpakailanman

Pangarap ng puso ay makasama

Sa paraiso mo na sakdal ganda

Doon ang ligaya ay walang hanggan

Aking mga luha ay hahalinhan ng tuwa

Awit ng puso ko ang alay ko Sa'yo

Upang luwalhatian ang Banal na Ngalan Mo

Pupurihin kita't pasasalamatan

Sa'yong kagandahang loob na magpakailanman

Ang lahat ng Karangalan

Ang lahat ng Kapurihan

Ang lahat ng Kadakilaan

Tanging Sa'yo lamang Ama

Awit ng puso ko ang alay ko Sa'yo

Upang luwalhatian ang Banal na Ngalan Mo

Pupurihin kita, pasasalamatan

Sa'yong kagandahang loob na magpakailanman

Ang Iyong kagandahang loob ay magpakailanman

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now