Composed by: Emmanuel Lipio Jr. | Interpreted by: JV Decena
I
'Di Mo kailanman nilimot ang isang katulad ko
Na hindi karapat-dapat sa pag-ibig Mo
Kahit pa noo'y tumalikod sa Iyo
Ako'y hinanap Mo't niyakap ng buong pusoPRE-CHORUS
Pa'no ba Kita masusuklian
Sa'Yong paglingap at kabutihang walang hangganCHORUS
Sapat na ba ang Ika'y paglingkuran
Ang Ikaw ay handugan ng isang awit papuri na tanging sa'Yo laan
O Iyong pagmamahal ay 'di/hindi ko mapapantayan
O Panginoon, sapat na ba ang Ika'y pasalamatanII
Puso ko'y 'di na kailan pa man mangangamba
Habang kapiling Ka, 'di na muling mag-iisa
Ako ay nagsusumamo at naninikluhod
Nais kong sa'Yo'y magpuri't maglingkodREPEAT PRE-CHORUS & CHORUS
BRIDGE
Sa lahat ng 'Yong gawa
Buhay ko'y nagmula sa'Yo Amang dinadakilaREPEAT CHORUS
CODA
Sapat na ba ang Ikaw ay pasalamatan