PANGINOON KAY BUTI MO

42 0 0
                                    

Composed by: Jesse Bayodoc | Interpreted by: Walton Zerrudo

I
Wala nang ibang panginoon sa buhay ko ngayon
Kundi Ikaw lamang, Hesus, sa habang panahon

II
'Pagkat Ikaw ang nagbigay-kabuluhan sa 'king buhay
Sa tulad ko, Panginoon, dakila Kang tunay

PRE-CHORUS I
Inari Mo ang sala ko
Hirap at dusa'y tiniis Mo
Hanggang kamatayan pinaglaban Mo ako

CHORUS
Panginoon, sadyang kay buti ng Iyong puso
Ang tulad ko'y niligtas Mo doon sa kalbaryo
Kaya't aking inaalay ang pagpuri't pagsamba
Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
Panginoon, kay buti Mo

III
Laging nasa puso ko mga dakilang gawa Mo
Nagbigay-daan upang Ika'y paglingkuran

PRE-CHORUS II
Nilingap Mo ang tulad ko
Panginoon, kay buti Mo
Ikaw ang dahilan kaya't ako'y naririto

REPEAT CHORUS

BRIDGE
Sa landas na tatahakin ko
Panginoon, nawa ako'y samahan Mo

REPEAT CHORUS

REPEAT CHORUS except the last line

CODA
Pagsamba ko'y alay sa 'Yo
Panginoon, kay buti Mo

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now