ALABOK

13 0 0
                                    

Composed by: Jesmer Marquez | Interpreted by: Jeffrey Hidalgo

Sa bawat sandali ng aking buhay
Ikaw ang nais kong makasama
Sa piling Mo sana'y 'wag nang mawalay pa
'Di ko kakayanin ang mag-isa

Laging nariyan Ka
Kapag nalulumbay
Ikaw ang pag-asa at karamay
Laging nariyan Ka
Sa'ki'y umaakay
Sapat Kang lagi sa aking buhay

Ako'y mula sa alabok
Tinawag Mo't kinupkop
Tinuruan ng aral Mo at hinubog
Ako'y mula sa alabok
Nagkukulang at marupok
Tuwina ay samahan sa bawat pagsubok

Kabutihan Mo'y hindi mapapantayan
Walang hangganang lingap at awa
Kagandahang loob ay nararamdaman
Panginoon, dahil kapiling Ka

Laging nariyan Ka
Kapag nalulumbay
Ikaw ang pag-asa at karamay
Laging nariyan Ka
Sa'ki'y umaakay
Sapat Kang lagi sa aking buhay

Ako'y mula sa alabok
Tinawag Mo't kinupkop
Tinuruan ng aral Mo at hinubog
Ako'y mula sa alabok
Nagkukulang at marupok
Tuwina ay samahan sa bawat pagsubok

Hanggang ngayo'y nagmamahal pa rin
Pag-ibig Mo'y hindi magmamaliw
Nagbibigay pag-asa sa aking kaluluwa
Wagas na pagpuri aalayan Ka

Ako'y mula sa alabok
Tinawag Mo't kinupkop
Tinuruan ng aral Mo at hinubog
Ako'y mula sa alabok
Nagkukulang at marupok
Tuwina ay samahan sa bawat pagsubok

Tuwina ay samahan
Palagi ng gabayan
Ikaw ang aking Dios
Magpakailanman
Magpakailanman
Magpakailanman

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now