9. With You

3.9K 133 8
                                    

WALA sa loob na sumandal si Regine sa backrest ng passenger seat ng sasakyan ni Rajed nang dumukwang ito para abutin siya. Hindi siya pinansin ng lalaki. Hinawakan nito ang suot niya sa bahagi ng dibdib. Awtomatikong hinawakan niya ang bisig ng lalaki para pigilan ang kung anumang gagawin nito.

"Open ang isang button mo," kaswal na sabi ni Rajed. Isasara lang pala nito ang butones ng kanyang suot. Ilang segundong hindi nito inalis ang tingin sa mga mata niya habang isinasara nito ang butones kaya na-tense na naman siya.

Kaswal na binawi ni Rajed ang kamay pagkatapos. Isinunod nitong ikabit ang kanyang seat belt. Gusto sanang magpasalamat ni Regine pero hindi niya matagpuan ang sariling boses. Kung kanina sa private office nito ay sinakop siya ng bango ng lalaki, ngayon naman sa loob ng kotse nito ay para na siyang nalulunod.

Pasimple niyang hinagod ang kanyang dibdib para ipanatag ang puso sa mabilis na tibok niyon. Napatuwid siya ng upo nang marahang tapikin nito ang kanyang pisngi.

"Relax," nagpipigil ng ngiti na sabi ni Rajed. "Hindi ka kakainin ng kotse ko."

Hindi umimik si Regine. Tumingin lang siya sa labas.

"Tired?" tanong ng lalaki. Napansin siguro nito na hindi na siya maingay. Hindi normal sa kanya ang hindi magsalita. Inisip yata nitong dahil iyon sa pagod.

"G-gusto ko nang magpahinga," palusot ni Regine. Kunwari ay sinapo niya ang kanyang noo, isang maling kilos dahil dinama nito ang leeg at noo niya. Ipinagpapasalamat ni Regine na hindi siya napapitlag dahil kapag nagkataon ay baka nakahalata na ito na parang nakoryente siya sa simple lang na paghawak sa kanya ni Rajed.

"Medyo mainit ka," sabi nito bago maingat na hinagod ang basang buhok niya. Mayamaya lang ay pinaandar na ng lalaki ang sasakyan paalis doon. "Bakit hindi mo ako tinawagan na pupunta ka sa bar?"

"Hindi naman talaga ako dapat pupunta sa bar mo," sagot ni Regine habang nakatingin sa labas ng bintana. "Kaya lang, 'yon lang ang pinakamalapit na lugar na puwedeng akong i-drop off ni Sir Brillo. Nadaanan kasi niya akong naglalakad sa gitna ng ulan. Wala na akong pagpipilian kundi makisabay sa kanya. Lumalalim na ang gabi at tumataas na ang tubig sa kalsada. Ayoko namang ma-stranded sa school. Hindi rin ako puwedeng ihatid ni Sir sa bahay kasi sobrang traffic na dahil sa mataas na tubig sa kalsada. Nahiya rin akong makitulog sa bahay niya."

"Sana, tinawagan mo agad ako."

"Namatay na ang phone ko."

"Ako sana ang tinawagan mo bago nag-shut off ang phone mo."

"Baka magsuplado ka lang kaya hindi ko na ginawa."

"Mabait ako during emergency," sabi nito.

Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita ni Regine na napapangiti si Rajed. Napasimangot siya. Tandang-tanda pa niya kung paano siya lampas-lampasan lang ng tingin ng lalaki na para bang hindi siya nag-e-exist. Ilang beses pa niyang nahuli itong nabubura ang ngiti tuwing palapit na siya sa kusina o kaya sa sala kung saan ito nagkukuwentuhan at ang nanay niya. Ramdam na ramdam ni Regine na ayaw na ni Rajed sa presensiya niya kaya hindi na siya naglalapit dito mula nang mag-iba ang pakikitungo ng lalaki sa kanya.

"Hindi mo ba ako puwedeng ihatid sa LRT station na lang?" pag-iiba niya sa usapan. Kinakabahan siyang magpaumaga sa condo unit nito.

"That's a big 'no.' Hindi ka puwedeng mag-LRT sa ganyang hitsura," sabi ni Rajed, saka siya pinasadahan ng tingin.

Saka pa lang naalala ni Regine na damit ni Rajed ang kanyang suot at wala siyang kahit anong suot na...

Napangiwing niyakap niya ang sarili. Lalabhan at patutuyuin na lang agad niya ang mga basang damit at panloob para mapanatag siya. Lalo pa kasing nadaragdagan ang tensiyon niya sa mga titig ng lalaki.

Rajed (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon