Chapter 12: Real mom & Step-siblings

466 43 0
                                    

"Ma, tama na!"

"Ngayon nahihiya ka na?! Pagkatapos mong magkalat doon?Walanghiya kang bata ka!"

Sinabunutan at pinagsasampal ng ginang ang dalaga sa harap ng kanyang mga kapitbahay.

"Ma, sorry po! Di ko po sinasadya! Di ko po alam na may ganoong mangyayari! Ma... Pakiasap—"Napasinghap ito ng isa pang malakas na sampal ang itinugon ng ginang sa pakiusap ng anak.

"Halika dito sa loob!"Hila-hila ang buhok na kinaladkad ng ginang ang dalaga.

Iyak ng iyak naman ng husto ang huli. Itinulak nito sa sahig ang wala ng lakas na si Gillian.

"Sa susunod na gawin mo pa ito, sisiguraduhin kong hindi lang ito ang aabutin mo!"Nanggagalaiting sigaw ng ginang.

"Ma! Tama na po! Tama na. Nasasaktan na po si ate."Anas ng batang lalake na yumakap sa mga binti ng ginang.

Pero sinipa lang ito ng huli.

"Isa ka pa! Kayo! Mga puwersiyo kayo sa buhay!"Hindi pa nakontento ay kumuha ng walis ang ginang pagkatapos ay pinagpapalo ang mga ito."Ayan, siguro naman ay magtatanda na kayo. Hangga't nasa poder ko kayo, magpapakabait kayo ha?"

Sunod-sunod na tango ang naging tugon ni Clara sa stepmom, ang biological na ina ng kanilang ate na si Gillian.

"Good."Anito't bago tumalikod.

Matagal ng patay ang ina ni Clara at Deuce. Nalunod ang barkong sinasakyan nito't di na natagpuan pa. His father remarried. This woman standing infront of them is supposed to be their second mom. But she has been a bitch to them when Gillian is not around.

"Isusumbong kita kay Ate Hill!"Galit na sigaw ni Deuce.

"Deuce! Ssh!"Agad na tinakpan ni Clara ang bibig ng kapatid.

Dahan-dahan namang pumihit paharap ang ginang.

"Subukan mo't di mo na makikita ang mga ate mo, Baby Dew."Pinandilatan nito ng mata ang bata. Pagkatapos ay bumaling kay Clara."At ikaw naman, subukan mong magsumbong at sisiguraduhin kong ipapaampon ko itong kapatid mo. Hmm?"

Hindi na nakapagpigil ang dalaga. Sumabog na siya sa kasamaan ng ginang.

"Wala kang karapatan! Hindi mo siya anak! Hindi mo kami anak!"

"Ah talaga? So, pwede kong gawin 'to!"Sunod-sunod na sampal ang inabot ng dalaga.

"MOM?!"

Natigil ang ginang sa ginagawa.

"Gillian... Why are you here?"Anang ginang na parang nakakita ng multo.

"What are you doing to them?!"Agad na dinaluhan ni Gillian ang mga kapatid.

"Hill, they're d-disrespectful! Clara got herself involved in a huge mess! I was so furious! I lost control... I'm so sorry..."

Umiyak ang ginang na hindi magkandaugaga sa pagpapaliwanag at paghingi ng tawad.

"We already talked about this mom. The moment you lay your hands on them... just forget about me as your daughter. Let's go, Clara. Deuce, are you okay?"

Naiiyak na tumango ang bata bago yumakap sa ate.

"Gillian, you can't do this to me!"

"I'm sorry, mom. But I can't let you hurt them anymore."

"Please don't leave me..."Humagulhol ang ginang.

"We are not. You are."

"What?"

"They'll come soon. Be ready."

"Whose they?"

Naisipan ni Gillian na ipasok na lamang sa mental hospital ang ina. Sobrang lumalala na kasi ang kondisyon nito. Her mother had been like that since father died out of depression. Bankruptcy suicide. And she... promised her dad to always protect her step brother and sister.

Isang oras makalipas ay dumating na nga ang dalawang lalakeng nurse upang sunduin ang kanyang ina. Tinurukan pa ng pampatulog ang huli dahil nagpumiglas ito na huwag sumama.

"God. Are you guys okay? Clara... I'm so sorry."Naiyak siya sa nakitang mga nangingitim na ilang bahagi ng balat nito.

"Okay lang yun ate. Sanay na ako..."

Nagulat siya sa narinig.

"Sanay?"

Dahan-dahang tumango si Clara.

"Oo, palagi niya namang ginagawa yun eh. Lalo na dati kasi busy ka sa trabaho..."Umiyak ito.

"Oh, God... Ba't di kayo nagsasabi?"Niyakap niya ito.

"Sabi ni mama, ipapa-adopt niya kasi si Deuce kapag nagsumbong kami."

Her heart ached at the thought Clara still see her mom as their real mother. They always addresses her as mom despite everything her mom did to them.

"No, I won't let that happen. Sssh, tahan na."

"Buti nalang dumalaw ka ate..."Anas ni Clara.

Bahagya siyang natawa.

"Buti nga. Pero di ako basta napadaan lang. Dito na ulit ako."Sabi ko sa pinasiglang boses.

"Talaga ate? Yehey!"Masayang wika ni Deuce.

"Tapos ka na sa treatment ate? Magaling ka na po ba?"

Inipit niya ang ilang hibla ng buhok ng kapatid sa likod ng tenga nito.

"Hmm, mas matutuluyan ako dun."

"Huh? Bakit po?"

Ngumiti siya rito.

"Tara, lagyan muna natin ng cold compress iyang mga bugbog mo...habang ikinukwento ko inyo ang mga nangyari. Pagkatapos, pag-uusapan natin ang nangyari dito ha?"

Tumango ang kanyang mga kapatid.

Vintage Love (Stand-alone Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon