Chapter 27: Pandesal Making

299 27 0
                                    

"ATE! ATE!"Sunod-sunod na tawag ng bunsong kapatid ni Gillian sa kanya gamit ang malakas pero maliit nitong boses.

Nakasunod naman sa naturang bata ang isa pa niyang kapatid, si Clara.

Kasalukuyang nasa salas silang dalawa ni Mikael. May pinapapirmahan ang dalaga na ilang papeles sa lalake.

"Oh bakit?"Nakangiting sagot ng dalaga.

"Tinuruan kaming magbake kanina ng bread!"Excited na wika nito.

"Oh that's good. What kind of bread my sweet little brotha?"Aniya at niyakap ito at binigyan ng halik sa ilong nang makalapit.

Kumalas ito at...

"PANDE-SAAAL!"Sigaw nito.

"PFFT."Si Mikael.

Nawala ang ngiti ko sa labi.

Sa lahat-lahat ba ng pwede ituro, pandesal talaga napili? Nang-aasar ba tung baking class nila? Babawiin ko talaga binayad ko dun.

Matalim na tinignan niya ang binatang nakadekwatro habang nakaupo sa kabilang sofa.

Isa pa 'to.

"Bakit..."I cleared my throat,"...pandesal?"Pagbalik tuon niya sa kapatid.

"Eh kasi sabi ni chef para hindi na daw natin kailangan bumili ng pandesal sa labas tuwing umaga. Diba mahilig ka sa pandesal ate?"

"No wonder."

Narinig niyang sabi ng binata sa mahinang boses.

"I heard you."Inirapan niya ito ngunit di iyon nakita ng binata.

Nakatuon kasi ang mga mata nito kay Deuce.

"Hmm, may point ang chef nyo."Pagsang-ayon ni Mikael na himig natatawa,"Pwede mo ba akong turuan, Baby Deuce?"

"SURE KUYA! I have the list of ingredients here!"Excited na saad ng bata.

"Yuck. Magpapaturo ka talaga sa bata? Mahiya ka naman."

"I just want him to feel appreciated. Baking is a skill. Masyadong kang sensitive , Miss Mendrez."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Ibinaba nito ang hawak na papeles at nakangiting tumayo.

"So when do we start, Baby Deuce?"Malambing na tanong nito sa bata.

"I want to do it today... Can we, kuya?"

"Sure! Miss Mendrez, you wanna join us?"

"Ano pa nga ba?"She sighed as a sign of defeat,"Baka magkalat na naman kayo, wala naman tayong maid dito."

"Sige ate. Dadalhin ko muna si Deuce sa taas upang makapagbihis."

Tinanguan niya ang kapatid.

"Wait!"Awat niya sa pag-alis ng mga ito,"Anong nangyari dyan sa pantalon mo, Deuce?"

Nagkatinginan ang dalawa.

"Ah, wala yan ate. Nadulas lang si Deuce kanina sa park."Si Clara ang sumagot.

She eyed on her.

"Sure? Baka nakipag-away ka na naman ha? Alam mong masam—Ahhh!"Bigla siyang napasigaw at tumalon agad sa ibabaw ng sofa nang makita si Lucy—ang ahas ni Tarzan. Bigla iyong iniluwa ng kusina. Mabilis ang galaw ng ahas na sa tingin niya'y puntirya ang kanilang kinaroroonan.

Ay deputa na ahas! Dito pa talaga naisipang tumambay!

"Clar, umakyat na kayo sa taas! Bilis!"Aniya habang nakatuntong pa rin sa taas ng sofa.

Vintage Love (Stand-alone Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon