CHAPTER 35:Sleep with me

283 19 4
                                    

Napabalikwas ng bangon si Kael dahil sa napaginipan. Gaya ng dati nakaramdam na naman siya ng matinding kalungkutan.

It's been a while. Aniya sa sarili.

Dinampot niya ang digital clock na nasa ibabaw ng kanyang side table at tiningnan niya kung anong oras na.

2AM.

Fuck! It was only less than an hour since he fell asleep.

Pagod na pagod siya. Marami pa naman siyang gagawin bago magsimula ang araw mamaya. Alam niyang hindi na ulit siya makakatulog kaya lumabas siya ng kwarto't tinungo ang kwarto ni Gillian.

"HILL! OPEN UP!"Sunod-sunod ang kanyang malakas na pagkatok sa pintuan nito.

Ngunit lumipas ang isang minuto ay walang sumagot. Hindi siya nito pinagbuksan ng pinto.

Nilakasan niya pa ang boses.

"GILLIAN MENDREZ!"Sigaw niya sa pangalan nito sabay hampas sa pinto.

Hindi pa lumilipas ang sampung segundo ay binuksan na nito ang pinto.

Sabog ang buhok nito't nakasuot lamang 'we bare bears' na pajama.

"Ano baaaa? Sobrang aga mo naman. Ang dilim pa oh. Tsaka feeling ko kapipikit palang ng mga mata ko... Ano bang kailangan mo?"Anitong nakapikit pa rin ang mga mata habang nagsasalita.

"Sleep with me."

She abruptly opened her eyes.

"Huh?!"

"I...can't sleep."

"So?"

"You promised me, Hill."

"I did? When did I...Oh."Napasinghap ito ng may maalala.

"So, shall we? I badly need to get some sleep."

"Uh..."

"Tch. Let's go. Tama na ang arte."

Hinila na niya ito patungo sa kanyang kwarto. Ang tanging nagbibigay ng liwanag sa kwarto ay ang ilaw mula sa lampshade.

Naunang sumampa sa kama si Kael. Samantalang si Hill ay nakatayo lamang sa paanan.

Tinapik ng binata ang espasyo sa kanyang tabi.

"Is this really necessary? Pwede bang maglatag na lang ako ng banig dyan sa sahig?"

"I don't have banig. And I need to feel your presence. That's the only way I can feel at ease."

"But why me?"

"Sino ba dapat? Should I sleep with one of my pets instead?"

"I mean, ang dami. Nandyan si Sharon, si Almira, si Lelyah at sigurado akong marami pang iba."She reasoned out.

"Sayo lang ako kumportable. So, come here already and let's sleep peacefully. I promised I won't do anything to you. And besides, you don't arouse me at all. Why are you so scared?"

"Wow. Sinasabi mo bang wala akong ka amor-amor? Me? Scared? Hinahamon mo talaga ako ah."Anito at agad na sumampa sa kama,"Ikaw nga dyan ang takot sa babae eh! Tell you what. Kahit pa maghubad ka dyan, I'm not worried at all!"

Lihim na napangiti ang binata sa sinabi ng dalaga. Her reaction is cute and amusing.

Nakatingin lang ng diretsyo sa kisame ang dalaga. Salubong ang mga kilay nito't nakakrus ang mga braso sa dibdib.

"I have an extra blanket if you don't want to share with the same comforter."Suhestiyon niya.

"Okay lang ako. Hindi ako lamigin."Anitong di man lang siya sinulyapan.

"Look. Don't make this so difficult. But it just that I think you're the only woman who can help--"

"I'm not making this difficult. I'm already here, Your Highness."

"See? You're being sarcastic!"

"Because you're so noisy and I'm trying to sleep. And I'm trying to calm damn. Because for Pete's sake, this is my first time sleeping with a man on the same bed!"

He sighed. Then I'm glad to be your first.

"I see. Relax, okay? I'm sorry if I have to drag you into this kind of situation."

Naramdaman niya ang titig nito. Maya-maya'y binalot na rin nito ang sarili sa ilalim ng comforter.

"Can we atleast hold hands?"

"Why?"Anito't tumingin sa akin.

We stared each other for a moment.

"So that I won't feel alone even in my dreams."

Lihim akong napangiti nang dahan-dahang tumango ito.

Bahagyang napaigtad ang dalaga sa sandaling nagdaiti ang kanilang balat sa isa't-isa.

"Breath."

"H-Ha?"

"You're not breathing. Relax."He squeezed her hand,"Thank you...Hill."

***

Mahimbing ng natutulog si Kael habang si Gillian ay buhay na buhay pa rin ang diwa. Naiinis siya sa sarili dahil sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Natatakot nga siya at baka marinig ng kanyang katabi. Ang hirap din huminga ng normal kanina.

Tiningnan niya ang katabi. Hindi niya maiwasang humanga sa kagwapuhan nitong walang kapintasan.

"Ang laki ng utang na loob ko sayo, Kael. Sa haba ng pasensya mo ay hindi umuubra sayo ang kamaldita ko. Bakit kaya kahit estranghero ka sa aking paningin ay matagal ka ng kilala ng aking puso't isipan? Aaminin ko na sobrang gaan ng loob ko sayo noon pa man. Nagsusuplada lang ako dahil baka isipin mong easy to get akong tao. I don't want you to think I'm just like the other women out there who are drooling at you. Honestly, I hate rich men. I'm not really sure why. Maybe because I think most of them are so full of themselves? Yung tipong akala nila sila na yung hari at lahat ng gusto nito ay masusunod? I promised not to like one. But I failed. Coz here I am... admiring you. And also, you're different from them. Kaya thank you, ha? Feeling ko tuloy may ginawa akong napakabuti sa past life ko to deserve this. Ang swerte ko lang kasi dahil nakilala kita, Kael. "Kausap ng dalaga sa tulog na binata.

Bahagya siyang umisod palapit rito.

"I can't help but wonder. Sa dami ng magagandang babae na umaaligid sayo, bakit ako? Could it be because you're my soulmate? Am I really a part of your past life?"Natawa siya sa naisip,"It's crazy. I find it hard to believe but those portraits intrigued me a lot. May ganoon ba talaga? Destiny?"

"Hmm. Maybe... Just sleep already. It's late."His husky voice made her froze.

Kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata ay nakalimutan na rin yata niyang huminga!

Shet! Has he been listening? Kanina pa ba siya gising? Ay lintek ka naman Gillian oh! Palagi mo lang pinapahiya sarili mo sa harap ng lalakeng 'to! Nakakainis! Yokona sa Earrrrth!

"You're not breathing again."

Nang mapansin ng dalaga ang dahan-dahang pagbukas ng mata ng katabi ay agad siyang pumikit ng mariin. Plano niyang palabasing nanaginip lang ito.

Please kahit sobrang talino mo. Maging bobo ka sana ngayon. Panaginip lang talaga ang lahat. Hiling ng dalaga sa isipan sabay pagkrus ng dalawang daliri.

Nakapikit na ang dalaga kaya hindi na niya nakita ang malawak na ngiti ng binata habang nakatitig sa kanya.

Vintage Love (Stand-alone Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon