Chapter 17

420 31 0
                                    

Nasa unibersidad ako ngayon kung saan ako dati nag-aaral. Inaasikaso ko ang mga papeles para sa entrance exam.

Now that we don't have to pay for electricity bills,house rent,water and food... Clara can enroll in this prestigious school. I must admit, Sir Mikael is a big help. Kahit medyo di ko maintindihan kung ano ang pinaglalaban nito minsan.

Papalabas na ako ng lobby nang may humarang sa aking daanan.

"Oh! Look who's here? Hill?"Anang pamilyar na boses.

Nang iangat ko ang ulo'y napagtanto kong ang malas ko naman sa araw na ito.

"Ah, hi Dorothy."

Itong babaeng nasa harapan ko ngayon ay dati ko lang naman na matalik na kaibigan. Pero simula ng magkolehiyo kami at unti-unting bumagsak ang negosyo ng yumaong ama ay nabuwag din ang aming pagkakaibigan. Hindi na kasi ako nakakasabay sa mga gimik ng mga ito. Nagtitipid syempre.

Kalaunan, isa na ako sa naging puntirya ng mga mean girls kung saan isa si Dorothy sa lider.

Madali lang sa kanyang makipag-close sa higher years dati kasi sobrang yaman pa rin nila. Eh ako? Wala na. Palubog na kami sa utang nun.

Akala ko pa naman sa sobrang close namin ay kahit na anong mangyari walang mang-iiwan.

Pero nagkamali ako. Tama nga sila. Kung mayaman ka, marami kang kaibigan. Pero kadalasan plastik naman.

"What are you doing here? How are you? God...you look so plain!"

"Okay lang naman. Just working out some sheets for entrance exam."Kibit-balikat na sagot ko at di pinansin ang naging puna nito.

"Oh. Dito mag-aaral yung sister mo? Ops, my mistake. Stepsister pala."Anito na tinutop pa ang bibig.

Pumikit ako ng mariin. Huminga ng malalim. I can't lose my temper to this bitch.

"Yes. Ikaw naman, anong ginagawa mo dito? Don't tell me until now hindi ka pa nakaka-graduate?"Sabi ko naman na himig pang-uuyam.

Ipinaikot nito ang mga mata.

"Funny. Di naman ako ganun ka boba. I'm here to fetch my lil sis."

As if on cue, may tumawag sa aking palayaw na pamilya ko lang ang may alam.

"Ate Yan-Yan!"

"Clara? W-What are you doing here?"Gulat na tanong ko.

Oh wait. Kasama niya ang kapatid ni Dorothy? Wtf. Don't tell me...

"Uh, sinamahan ko si Zach. Entrance exam niya ngayon."

"Wala ba kayong pasok?"

"Wala ate. Practice lang."

"Wait, wait, wait. You and my lil sis are what?"

"Bestfriends! Duh ate? Di ba obvious?"Sagot naman ng kapatid ni Dorothy.

"What? Will you look at that..."Manghang saad ni Dorothy sabay sulyap sa akin.

"Ate ano nga pala ginagawa mo rito?"

"Inaasikaso ko yung mga requirements for your entrance exam."

"Ha? Dito ako mag-aaral? Talaga ate?"

"Yep."

"Wow! Zach narinig mo yun? Magkasama pa rin tayo."Masayang bulalas ni Clara.

"I know right! Sabi ko naman sayo eh."Zach winked at her. Siniko pa ang aking kapatid.

Zachary is a guy of course. But I guess, the way he do gestures and how Dorothy addressed him as lil sis, he's totally a gay. No doubt. That's a relief though. Atleast, friends lang. Not to mention, gay friends are one of the most genuine.

"So, Zachy let's go?"Maarteng sabi ni Dorothy.

"Where? And what the eff are you doing here? I did not ask for you."Sagot ni Zach sabay irap.

Wow, taray!

"I just want to show your classmates and professors who's your sister! That way, no one will bully you."Dorothy flipped her hair.

Zachary rolled his eyes heavenwards.

"Who would dare to bully me duh? Come on, Clara. Uhm, by the way, hi ate Yan. I'm sorry if this is the first time we formally meet. Masyado ka kasing busy."He pouted sabay hawak sa aking kamay.

"Okay lang. Haha ano ka ba. Atleast nagkita diba?"Geez, ang awkward kasi parang predator na nakamasid ang ate nito.

Nakipagbeso pa ito bago nagpaalam. Naiwan kaming dalawa ni Dorothy na nakatanaw sa dalawang pigurang naglalakad palayo.

"Turns out your lil sis is bitcher than you, biatch."

"Whatever, biatch."

Biatch ang tawagan namin noon pa man na matalik kaming magkaibigan. Hindi naman nagbago kasi tuwing nagkukrus ang landas namin, iyon ang laging tawagan namin sa isa't-isa. Minsan nga akala ng iba, nagsisimula na kaming mag-away.

Hindi ko rin alam kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo nito sa akin.

Humakbang ako upang umalis na sana pero napahinto rin sa sinabi nito.

"Until now I'm still wondering how come you have stepsister and stepbrother all of a sudden, you know."

"Don't ask. I never question why suddenly you have a gay brother didn't I?"

"Fine. Whatevah!"Nagmartsa ito paalis.

Wow? Anong trip nun? Gusto ba niyang makipagbati?

Napapailing na napangiti ako.

She's the same Dorothy I once knew.

Vintage Love (Stand-alone Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon