Chapter 18: Nightmare?

426 25 3
                                    

"Kael, come on!"Nakatawang sigaw ng isa sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko.

"Sige lang! Kapag ikaw naabutan ko!"

"Asus! Ang sabihin mo weakshit ka lang!"

Napailing at napangiti nalang ako sa sinabi nito.

"Uy! Humahaboool!"Tukso nito sa akin ng sibukan kong bilisan ang pagtakbo ng roller blades.

Nanlaki ang mga mata ko nang mas binilisan nito ang pagtakbo.

"Hey! That's enough! Don't speed up!"

This is the reason why I don't want to catch up on her. She's putting herself in danger.

Nasa sidewalk lamang kami ng malawak na kalsada nagpapatakbo ng aming roller blades.

"Ambaklaaaa mo talaga! WEAKSHIT!"Sigaw pa nito sa gitna ng mabilis na pagro-roller blades.

Tumawid ito sa kabilang bahagi ng kalsada.

Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin ang rumaragasang sasakyan na biglang lumiko patungo sa direksyon ng aking kaibigan.

Nakatawang lumingon sa akin ang kaibigan. Hindi napansin ang paparating na sasakyan.

Sinubukan kong tawagin ito pero walang lumabas na boses sa aking bibig.

Nakakabinging busina ang pumuno sa paligid. Matinding ilaw ang nagpahinto sa aking paglapit.

Sa bilis ng pangyayari ay para itong kidlat. Huli na ang lahat. Huli na...

Tumulo ang mga luha sa aking nanlalaking mga mata. Di makapaniwala sa nangyari. Di matanggap. Sumikip ang aking dibdib. Matinding kalungkutan ang bumalot sa akin ng gabing iyon.

"GILLIAN!!!"Narinig ko sa wakas ang aking boses na unti-unting naglaho sa dilim.

Napabalikwas ng bangon si Kael. Hinihingal at pawis na pawis dahil sa panaginip. Nangyari na naman ang akala niya'y tapos na.

Biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at iniluwa doon si Ms. Mendrez. Lumiwanag ang buong paligid.

"Sir! Okay lang po ba kayo?"Anito sa nag-aalalang tinig.

Biglang binalot ng kahihiyan ang binata. Nasaksihan na naman kasi ng babae kung gaano siya ka-miserable sa pangalawang pagkakataon.

Ayaw niyang isipin ninuman na isa siyang mahina at miserableng tao sa kabila ng pagiging matagumpay na batang CEO.

Napansin siguro nito ang aking reaksyon kaya't dinaluhan ako. Hinawakan ako sa balikat pero agad kong itinulak.

Bahagya itong napaatras dahil may kalakasan.

"Who gave you the permission to enter my room?!"Hindi niya nakontrol ang sarili't binulyawan ang dalaga.

Pagkalito ang rumehistro sa mukha.

"Teka ba't kasalanan ko na nam—"

"This is off limits! Get out!"

Nakita ng binata kung paano mabilis nagbago ang emosyon nito sa mukha. Kanina'y litong-lito ito, ngayon naman ay galit na galit.


Ngunit nakita niya kung paano ito pumikit ng mariin at huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

"Look, kung ayaw mo pala na may basta-basta nalang makapasok sa room mo... Matuto kang maglock! And fyi, hindi ako basta-basta nalang papasok kung hindi mo tinawag ang pangalan ko na akala mo may malaking sunog! Kung hindi ka rin lang siraulo para isigaw ang pangalan ko tapos magagalit ng pumunta ako sa kwarto mo no? Ano ba talagang trip mo? Sa susunod, i-orient mo ko sir para masakyan ko naman."

Nang wala itong nakuhang tugon ay tumalikod ito't binalibag pasara ang pinto.

What? I called her name? When? Tanong ng binata sa sariling isipan.

Vintage Love (Stand-alone Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon