Chapter 6: Just A Deal, No Favor

568 43 0
                                    

"Anong sabi mo? Are you crazy?"Manghang tanong ko sa aroganteng binatang kaharap ko ngayon.

"Yes, you heard it loud and clear. You will be living under the same roof as me. Napag-usapan na namin 'to ng nanay mo. Diba po ba, ma'am?"

"H-Ha? Ah, oo! Anak mas mainam na iyon para mapagtuunan ng mabuti ang iyong kalagayan. Sabi nitong mabait na batang 'to, magha-hire siya ng personal nurse para s-sayo... Tama ba ako, hijo?"

"Sure, no problem."

"No!"Mariing tutol ko."Nay, paanong gusto mo kong tumira sa iisang bubong kasama ang lalakeng yan? Di natin siya kilala ng lubusan. At bakit ka naman pumayag, sir? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait?"Sarkastikong tanong niya rito.

"GILLIAN! Ayusin mong pananalita mo!"Sita sa akin ni nanay.

Ang lalake naman ay sandaling natahimik. Huminga ito ng malalim. Mula sa pagkakahilig sa side table ay nagpalakad-lakad ito.

"Look, there's no need to overreact. I really don't wanna help you. Why would I want to help someone who slapped me?For the record, miss, I've never been slapped before."

Pagak na tumawa ako.

"Then, it is my pleasure to be your first."

"Gillian, anak, makinig ka... Nakiusap ako sa kanya. Buti nga at pumayag siya sa hiling ko. Mas maaalagaan ka doon."

"Hindi nyo po ba ako kayang alagaan, nay?"I can't hide the bitterness in my voice.

"Hindi sa ganoon. Kaso, paano na ngayon yan. Sinong mag-aalaga sayo? Ang mga kapatid mo kailangang mag-aral. Ako naman, kailangan ko ring magtrabaho."

Pumikit ako ng mariin. Kasalanan ko naman kasi. Bakit ba ako tumawid sa bawal.

"Alright, sige. Payag na ako."

"It's settled then. We need to leave now. I'll ask my attorney to discuss the terms with you."

"Terms?Bakit kailangan pa ba yun?"

"Yes! Of course. We are living under the same roof. We need to have do's and don'ts for our personal space, am I right?"

I just rolled my eyes. Pagkaalis ng dalawang lalake na nagsusumigaw ng kayamanan ang aura ay si nanay naman ang hinarap ko.

"Syanga pala, kumusta si Deuce?"Sabi ko sa nag-aalalang boses.

"Okay naman sya anak. Ang totoo niyan, wala naman talagang nangyari kay bunso. Trip-trip lang ng mga kapatid mo yun dahil gusto ka nilang sorpresahin sa bahay...may hinanda sila para sa birthday mo. Happy birthday, anak."Hinalikan ako ni nanay sa noo."I'm sorry, dahil doon nangyari sayo 'to."

"Sorry ate..."Si Deuce.

"Ate sorry talaga!"Naiiyak na sabi ni Clara

Sabay na niyakap ako ng mga kapatid.

"It's okay. Wala kayong kasalanan. Okay naman si ate. Tsaka thank you ha? Napaka-thoughtful nyo talaga. Nakalimutan ko nga na birthday ko ngayon eh..."Maluha-luhang saad ko."Payakap nga!"

Niyakap ko sila ng mahigpit.

Ilang araw din ang inilagi ko sa ospital para obserbahan ang aking kondisyon.

Ngayon, discharged na ako't kasama sa iisang sasakyan ang aroganteng binata.

Napaisip ako. Bakit ba sa lahat na lang ng oras na may gagawin akong katangahan, nagkukrus ang landas namin ng lalakeng 'to?

"So, kaninong ideya 'to? Nabundol ang babae, dinala sa ospital ng lalake tapos patitirahin sa bahay nito para doon magpagaling. Anong kasunod? They fell inlove? So cliché, right?"

"Your mom."

"Huh?"

"This was your mother's idea."

Natahimik ako. Si nanay talaga! Kung anu-ano ang naiisip!

Vintage Love (Stand-alone Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon