Chapter 23.1

303 27 3
                                    

Pagkarating pa lang nila sa nasabing venue ay namangha na agad si Gillian sa dami ng tao. May media na walang humpay sa kakainterview, mga ilaw ng camera na walang humpay sa pagkuha ng litrato at mga bisitang high class.

Bigla tuloy siyang na-excite. Nawala ang lahat ng inhibitions niya kanina.

Pagkababa nila sa limo ay sunod-sunod na pagclick ng camera ang sumalubong sa kanila. Inilahad ni Mikael ang braso sa kanya. Agad naman niyang ikinawit ang braso kasi mahirap na. Magbago pa ang isip nito. Pasalamat niya lang at di siya nito iniwan sa ere.

"Sir! Sir! One picture po for Red Carpet Magazine!"

"Maam! Sir! A picture for Elite World mag!"

Pero ni isa walang pinagbigyan ang kasama ko. Sobrang snob. Derecho lang kami hanggang sa bukana ng malaking double doors na pinto.

Nahinto kami nang may humarang sa amin.

"Excuse me! Sir! Maam! I'm from Elegantè feature mag. Can I take one photo to the two of you? Just one, please?"

Lumapit ang mga marshalls at inalis ito sa aming harapan. Pero sa gulat ko'y pumayag si Sir Mikael na kunan kami ng desenteng litrato. Hindi stolen or what.

Pero mas nagulat ako nang pinagsalikop nito ang aming mga kamay.

Babawiin ko sana pero hinigpitan nito iyon.

"Just play along. It's my sister-in-law's company."He whisphered to me.

"Kailangan talaga holding hands, sir?"Bulong ko din.

"Wag kang maarte, goldfish. Kung ayaw mong iwan kita dito."

Nang marinig ko iyon ay ako na mismo ang humigpit ng hawak sa kamay nito.

I caught him smirked.

Wala na akong nagawa kundi ang umawra sa camera.

Bwisit.

Bwisit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Vintage Love (Stand-alone Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon