Chapter 3.1

588 50 0
                                    

Binaba ko na ang tawag galing sa boss ko. May pinapakuha kasi itong package. Binigay saken ang address pero di naman sinabi kung saan exactly ako maghihintay.

Nakakita ako ng isang spot na marami-raming babae ang naghihintay. Doon ko piniling maghintay pero may kalayuan sa mga ito. Sigurado namang safe dito kasi marami kami.

Pero anong ginagawa nila dito? May party ba ang mga ito? Ang sesexy!

Hindi pa umiinit ang paa ko sa kinatatayuan ng may humintong kotse sa harap ko.

Binaba nito ang bintana.

"Get in."Anitong di tumitingin sa akin.

Syempre nagulat ako! Ito na ba ang sinasabi ni boss na may dala ng package?

Lumingon muna ako sa magkabilang gilid at likuran. Baka kasi hindi ako ang kausap nito.

"No, it's not necessary. I can deliver it myself."

Kunot-noong lumingon ito sa akin.

"What the hell are you talking about? Are you some kind of retard?"

Marahas na napabuga ako ng hangin. Aba'y gago to ah?

"Ikaw tung siraulo eh. Wala ka bang tiwala sa akin? Akin na ang package!"

Bwisit, inaantok na ako! Pinagmasdan nito ako nito ng mabuti.

"Look miss, I don't have time to play games—oh!"He laughed."I think I know what you want. Here."Sabay abot sa akin ng ilang libong papel.

"What is this?"

"Package? Sorry I really don't do things like this. I have to idea there are codes for asking payment—"

"Payment?!"Nanlaki ang mata ko.

"Yes, since you got it. Get in."

Pinagmasdan ko ang paligid. Then a realization dawned me. Shit!

"Mister, you are mistaken."Mahinahong sabi ko since kasalanan ko naman din. Tanga ko kasi.

Ibinalik ko ang pera nito at akmang tatalikod na ako pero hinawakan nito ang kamay ko.

"How much do you want?"I sensed irritation in his voice.

"I don't fucking need your money! Let go!"

"Playing hard to get eh? Aren't you here for hook ups?!"

That's it! Sinampal ko ito ng ubod lakas.

"Tangina mo! Hindi ako G.R.O. Get lost!"

Agad na nilisan ko ang lugar at baka dumugin pa ako ng mga babae doon dahil sa sinabi ko.

Vintage Love (Stand-alone Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon